Ogie Alcasid + Regine Velasquez = ?

May 28th, 2007 by lorenzomakoy

10regineLangya, kahit anong tabloid ang buklatin ko, kahit anong balita sa TV ang panoorin ko, at kahit saang message board at blogs ako magpunta eh puros si Ogie Alcasid at si Regine Velasquez ang pinag-uusapan.  Talagang hot item na pares talaga itong si Ogie da Pogi at ang Songberd.  Dahil nga umamin na sila na may namamagitan nga sa kanilang dalawa, eh hot item na talaga itong dalawang ito, at hindi sila palalagpasin ng inyong lingkod.

Itong relasyon nitong dalawang ito ay hindi rin naiiba sa mga sikat na mga hot showbiz couples sa Hollywood, kahit saan magpunta ay pinag-uusapan, kinukuhanan ng larawan, at ina-ambush interview ng mga makukulit na movie reporter na minsan eh tinatawid na nila ang hangganan ng private life nitong mga celebrities na ito.  Well, wala tayong magagawa, showbiz ito at sikat sila eh.  Ganyan talaga!

Sa mga "naming conventions" naman ng mga showbiz couples na nauuso sa Hollywood at dito sa Pilipinas, halimbawa na lang nitong si Brad Pitt at si Angelina Jolie:

Brangelina060410_4_198

Brad Pitt + Angelina Jolie = Brangelina

Ngayon naman, si Tom Cruise at si Katie Holmes:

Tomkat

[shit, nakakatakot ang mukha ni Katie Holmes!]

Tom Cruise + Katie Holmes = TomKat

At ang pinaka-malupit na pares na pinag-uusapan ng bayan:

Ogie_and_regine_1

Ogie Alcasid + Regine Velasquez = Shrek_1

OGRE! Niyaaaaaaah!

Super Twins!

May 23rd, 2007 by lorenzomakoy

Super_sNagising ako kagabi sa tunog ng mga special effects nitong isang palabas ng GMA-7 sa kanilang Telebabad block na laging sinusubaybayan ng nanay ko, itong Stupid, este Super Twins nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte, siyempre kasama pa rin diyan si fafah Dennis Trillo.

Siyempre dahil naaalimpungatan pa ako, natitigan ko sa TV itong character na ginaganapan ni Jennylyn, itong si Super S dahil nai-imbiyerna na ang nanay ko dito dahil napaka-stupid ng character na ginagampanan niya.

Nang matitigan ko, ang ganda pala nitong si Jennylyn Mercado, tingnan niyo itong screencap niya galing sa SOP ng GMA-7 habang kumakanta siya:

Jen_sop

At tingnan nyo rin itong screencap na galing naman sa Rated K ni Korina Sanchez sa ABS-CBN:

Anton

Huwaaat?  Si Jennylyn Mercado nag-guest sa ABS?  Hindi ba’t exclusive ang kontrata niya sa GMA-7?  Hmmmm…mali po, hindi po si Jennylyn iyan, tingnan niyo ulit ang screencap na may lumabas nang pangalan noong singer:

Anton_revealed

Ang singer po na iyan ay si Anthony Ragaza a.k.a. "Anton Diva" na impersonator ni Regine Velasquez na may show lagi sa Laffline Comedy Bar sa Kyusi.

Hindi ko ma-imagine kung si Anton Diva ang gumanap ng Super T sa halip na si Nadine Samonte sa Super Twins, wow, para talaga silang twins! 

Now repeat after me girls, sa kapangyarihan ng araw, taglay na liwanag, kambal na lakas, sila ang…Super Twins!!!  Teen-tenenen-teneneent-teneeen!

Wowowee Scandal

May 20th, 2007 by lorenzomakoy

Kahapon eh nagkita-kita na naman ang mga adik sa scandal dito sa opisina at umaatikabong bluetutan na naman ang nangyari dito sa amin, bluetooth dito, bluetooth doon ng mga bagong koleksyon na wala pa rin si Monching.  Pero ngayon eh kakaiba ang bago naming napagkaguluhan dito, walang iba kung hindi ang "nip slip" ng isang starlet ng ABS-CBN na nagsayaw sa Wowowee.

Dsc07048

Ipinakita ko ngayon itong peechur na ito sa kasamahan kong babae na mahilig manood ng mga palabas sa ABS at nalaman ko na ito pala yung babaeng gumaganap sa "Let’s Go" (away?) na si Eda Cabilan (a.k.a. Eda Nolan a.k.a. Junniper).

Ah siya pala iyon.  Pasensiya na, si Junniper na promdi ang crush ko eh.  Eh si Eda Cabilan pala yung nagsasayaw kaya hindi ko nakilala.  Way to go girl, sa mga oras na ito ay pinag-uusapan ka na ng mga menyek dito sa amin dahil diyan sa 30 seconds of fame mo sa Wowowee.

Weng Weng Tribute

May 8th, 2007 by lorenzomakoy

WengwengNaalala pa ba ninyo si Weng Weng?  Yung Pinoy action star na tamang Martial arts na may pagka-James Bond ang tema ng mga pelikula? Dahil medyo bata pa ako noong ipinalabas sa mga sinehan ito, sa Piling-Piling-Pelikula ng IBC-13 ko na lamang napanood ang "For Your Height Only" ni idol.  Na-miss ko tuloy yung cute kong opismeyt na tinatawag kong wengweng dati na may kaliitan din nang mapanood ko itong tribute rap na ito para sa isang Pilipinong aktor na sumikat sa buong mundo hmmmm….bakit nga kaya sumikat? Tingnan natin…

Bago ang lahat eh panoorin muna natin itong Weng Weng Tribute Video na ito.

Oh, astig noh!  Ayos ba?

Yourheight4Kainis, mabuti pa si Weng Weng na 2′9" eh nakakakuha ng mga chickababes.  Ang ibig sabihin siguro ng 2′9" eh 2 feet ang taas at 9 inches ang haba ng ano…alam niyo na!  Hindi na siguro ako magtataka kung bakit baliw-na-baliw ang mga chickababes dito kay idol.

Kung ayaw nyo namang maniwala na sikat nga sa buong mundo si Weng Weng, basahin niyo ang nakaaaliw na review ng Badmovies.org dito.

Kakaiba talaga si Weng Weng.  Teka, ano nga ba talaga ang apelyido ni Weng Weng?

Kadyot Lang

April 25th, 2007 by lorenzomakoy

Kadyot"Kadyot lang, kadyot lang, kadyot lang-lang!"  Tama po kayo, tungkol naman sa radyo itong blog entry ko na ito.

Kahapon kasi, nang medyo male-leyt na ako sa pagpasok sa opisina ay naisipan kong pumara ng taksi para naman medyo mabilis at hindi ako mahuli sa oras ng pasok ko.  As usual, binuksan ni manong taksi drayber ang radyo ng kanyang taksi sa paboritong istasyon ng mga drayber na nasasakyan ko, mapa-FX man o dyipni, pati na rin ang mga taksi…kailangan pa bang i-memorize iyan?

Nang nasa may Project 3 ako sa kyusi nang bandang 9:30 ng gabi, biglang pumasok ang promo plug ni "kadyot lang" dito sa radyong ito pagkatapos ng kanta ng Cueshe (hehe), at nagulat ako dahil parang nauulit muli ang history at dito naman sa radyo nag-uumpisa.

Heto ang plug:

Pinong: Kadyot lang, kadyot lang, kadyot lang-lang!
Kukurukuku, bakit naka-dobol R siya?

Kukurukuku:  Isipin mo na lang, Love Radio iyan!  Hahahaha!  Ubo-ubo-ubo! Tagos ba?  Kailangan pa bang i-memorize iyan?

Okay, ibang level na ito.  Alam naman nating lahat na ang dobol-R na sinasabi dito eh ang istasyon ng radyo ng ABS-CBN, ang DWRR 101.9.  Giyera na ba ito?

Gma_97Naaalala ko nang mag-umpisa ang network war sa telebisyon naman noong mid/late-80’s nang mag-komersiyal ang ABS-CBN ng isang logo ng rainbow na may pagong sa ilalim - obvious na pinatatamaan nila ang bagong labas na rainbow satellite ng GMA-7 noon. Na-shock ako nang una kong makita ito.  Sa mura kong edad noon, parang hindi ako sanay pa na may nagbabangayan sa ere sa pagitan ng mga TV Station. And the rest is history. Sino na ba ang number one at pinag-uusapang istasyon ng telebisyon ngayon?  Hindi ba, ang saya saya?

Dinadala na ba ng Love Radio ang network war sa radyo at gagamitin din nila ang "tried and tested" formula para maging number one sa ere?  Abangan na lang natin.

Kailangan pa bang i-memorize iyan?

Noontime Show Hell

April 24th, 2007 by lorenzomakoy

Kahapon ng Lunes, dahil bakasyon ang inyong lingkod eh naisipan kong lumabas ng bahay at mamasyal sa Gilmore upang bumili ng external usb hard drive enclosure para naman makopya ko ang mga paborito naming mga scandals kay Monching na mahilig mag-download ng lahat ng ito from A to Z! Name it, meron niyan si Monching.

Sa aking paglilibot dito sa Gilmore eh dinala ako ng aking mga paa hanggang sa Broadway Centrum dahil tanghali na at medyo mainit na rin ang panahon ngayon, gutom at uhaw ang inabot ko dito sa pagka-canvass ng murang hard drive enclosure.  Napansin ko medyo maraming tao ang nakapila sa may lobby, ah okay, dito nga pala ginaganap sa Broadway ang "number one" daw na noontime show ng Pilipinas - ang Eat Bulaga!

Broadway3_1 Na-curious naman ako at pumasok ako sa studio ng Eat Bulaga, ayos walang nakapansin sa akin kahit na sobrang dami ang nagsisiksikan at hinaharang sila ng guwardiya para hindi sila makapasok (hmmm…bakit kaya hindi nila ako hinarang? Mukha na rin ba akong artista?).  At hayun, nakapasok ako ng walang kahirap-hirap at dala ko pa ang aking bag saka ang aking cellphone kahit na bawal itong ipasok sa loob ng studio.

Mainit na rin dito sa loob ng studio ng Eat Bulaga, para na ring impiyerno sa dami ng tao, ayos sana kung medyo mainit at siksikan pero may napansin akong hindi kanais-nais dito sa loob ng studio nila - masungit at maangas ang mga guwardiya sa loob, hindi kamukha noong mga guwardiya sa entrance.  Bakit ko nasabi iyan? Dahil may mga audience sa loob ng studio na gustong lumabas dahil naiinitan na sila at sobrang siksikan, ang iba ay gutom na uhaw pa at maiiihi na, pero ayaw silang palabasin nitong guwardiyang ito, kesyo tapusin daw muna ang show dahil bawal daw lumabas ang mga tao.  Hello?  Ano ito concentration camp ng mga hudyo?  Parang heneral ng Nazi itong guwardiyang ito, isa-isang pinagagalitan ang mga audience sa loob ng studio.  Actually, hindi na boses ni bossing ang naririnig ko kundi ang boses na niya sa loob.  Nakaka-distract.

Broadway2_3 Naawa na rin ako kay lola dahil sa malayong lugar pa siya nanggaling para mapanood lamang sina bossing, pero anong ginagawa ng guwardiyang ito sa kanya?  Pinagalitan, pinagsabihan, at hindi man lamang nakatikim si lola ng "courtesy" mula dito sa guwardiyang ito. At ang nakakainis pa, eh ganito ang sinabi niya sa lahat ng audience sa loob:  "Bawal pong lumabas hangga’t hindi natatapos ang show, kung ayaw nyo ng ganito, HUWAG NA LANG KAYONG MAGPUNTA AT MANOOD DITO!!! Naiintindihan ba niyo???" Wow, ang angas talaga ni manong.

Tiningnan ko ang mga nakakaawang audience sa loob, basang-basa na sila lahat ng pawis at nagsisiksikan pa, gusto mang lumabas ng iba para makalanghap ng sariwang hangin at uminom ay wala silang magagawa, dahil hinaharang sila ni Hitler na guwardiya.

Broadway1Nang matapos ang show, isang salita lang ang narinig ko kay lola at lahat ng mga kasama niya sa studio - "Hinding-hindi na ako babalik dito at manonood ng Eat Bulaga, tandaan niyo iyan!!!"

Well, kung nababasa ito ng mga taga-Eat Bulaga, sana naman ay maging mabait kayo sa mga audience ninyo, dahil kapag nagalit sila, sila rin ang magpapabagsak ng ratings ninyo.  Siyanga pala, nakita na ba ninyo ang ratings ninyo ngayong linggo na ito?  Obvious naman hindi ba, medyo angat na ang Wowowee ni Willie.  Alam na rin naman nating lahat na umabot na rin ng mahigit dalawang dekada ang Eat Bulaga at hanggang ngayon ay patuloy na nagbibigay ng kasiyahan sa mga tao, pero huwag naman sanang pumasok ang hangin sa ulo ng mga tao sa likod nito ang inabot nilang tagumpay upang tratuhin ng ganyan ang mga parukyano nila.

The viewer is the Boss, tandaan sana nating lahat iyan.

Hawak-Kamay

February 14th, 2007 by lorenzomakoy

"Hawak-kamay, di kita iiwan sa paglalakbay…" iyan po ang mga letra na sumisiksik ngayon sa utak ko dahil sa paulit-ulit na pagpapatugtog nito sa radyo kapag sumasakay ako ng FX na ang radyo ay nakalagay sa alam nyo na kung anong istasyon yun, kailangan pa bang i-memorize iyan?

Dahil balentams naman ngayon, tungkol din sa hawak-kamay ang ipo-post ko ngayon dito sa aking munting blog.  Itong larawan na ilalagay ko dito ang patunay na mayroong isang bagay na napakalaki at napakalawak na kahit mismong tayong mga tao ay hindi naiintindihan - ang kapangyarihan ng pag-ibig!

Love

Hawak-kamay, di kita iiwan sa paglalakbay…dito sa mundong walang katiyakan…kung babae nga o lalake ang katabi mo!  Niyaaaaaah!

Happy balentayms mga friends!  Muwaaaah!

Putang-ina Mo!

January 21st, 2007 by lorenzomakoy

"Putang-ina mo! Putang-ina mo! Tumahimik kang bata ka, ipakukulong kita!!!"  Iyan po ang mga katagang umaalingawngaw na sigaw ng isang babae sa gitna ng daan ngayong hatinggabi habang ako ay tahimik na nagbabasa ng mga interesanteng babasahin dito sa internet.

MotherscoldingSobrang ingay talaga nitong babaeng ito, nagising pa ang mga alaga kong mga pusa na natutulog sa ibabaw ng monitor ng kompyuter ko dahil sa lakas ng sigaw niya.  Sinabayan pa ito ng napakalakas din na palahaw ng isang batang paslit na habang sinisigawan niya ay lalo din nitong nilalakasan ang kanyang pag-iyak.

Nilabas ko siya ng bahay, nakita ko ang isang ina na nagngingitngit sa galit na sinisigawan ang kanyang anak upang tumahan.  Nang hindi na niya nakuha pang patahanin ang bata ay nag-init na ang kanyang ulo at pinagmumura pa nito ang kanyang anak ng "Putang-ina mo!" harap-harapan.

Teka, teka, ang hirap naman talaga sa mga Pilipino ay hindi nila iniisip kung ano ang sinasabi nila.  Isang ina, sinabihan ang kanyang anak na "puta" ang ina nito - sino ngayon ang minura niya?  Kung "puta" ang ina nitong bata, sino ang nanay noong bata?  Hindi ba’t siya rin? 

Minumura lang niya ang sarili niya.

Kung ako sa kanya, babasahin ko na lang ito.

Putang-ina talaga.

Aysus, Ginoo - Si Roxanne Guinoo!

January 20th, 2007 by lorenzomakoy

Wow, ang tagal ko na ring nag-busy-busy-han sa trabaho at napakatagal ko bago ko masundan yung Halloween post ko dito sa aking munting blog mga friends!

Share ko lang itong nakita ko sa EDSA habang naglalakad ako sa may kanto ng Timog Avenue sa Kyusi.  Wow, muntik na po akong madapa at mabunggo ng kasalubong kong vakler dito sa kanto.  As in wow talaga.  Aysuuus, ginooong gagmay!!!

Dsc00002

Iyan po ang bagong billboard sa EDSA ni Roxanne Guinoo para sa White Castle Whisky.  Mahal ka na namin Roxanne!

Maraming salamat nga pala doon sa naglagay ng billboard dahil nakatapat ito sa opisina namin at si Roxanne na ngayon ang nagbibigay sa amin ng lakas hehehe.  Salamat din sa kaopisina kong menyek na si Batman dahil pinagyayabang niya sa akin ang bago niyang Sony Ericsson k800i Cybershot phone at nakuhanan ko tuloy ng peechur ang napakagandang billboard na ito.

Medyo blurred ang peechur, aysus ginoo talaga, bakit ba hindi ko nagamit ang image stabilizer nitong camera phone na ito at naka-set pa ata sa pinakamababang resolution?!?!  Aaaarrrgh!

Multo sa Batangas

October 28th, 2006 by lorenzomakoy

Happy Heloween mga friends!!!

Dahil papalapit na ang Haloween at uso na naman ang takutan sa mga telebisyo, magpo-post dito ako ngayon dito ng isang katatakutan na entry.

Key70026Kamakailan po lamang ay nagpunta ako sa Mataas na Kahoy, Batangas upang dumalo sa kasal ng bespren ko na naka-biktima ng Batangenya at suwerte naman ang loko dahil pinatulan siya nito hehehehe.  Siyempre, super-charge na ulit yung "Makoy Super-duper high-tech spycam" para kung sakaling may interesanteng bagay akong makita sa paglilibot ko sa Batangas, kuha agad ng gigicam spycam ko!

Pagpasok ko sa simbahan ng Mataas na Kahoy, alam nyo na naman kung ano ang una ninyong gagawin pagbaba ng sasakyan -> hanapin ang CR!  At sa pagtatanong ko naman doon sa medyo masungit na mataray na matandang babae na katiwala noong simbahan, natunton ko rin at CR nila na mukhang background ng "Silent Hill" na video game sa Playstation dahil nakakatakot ang mga nakasulat sa pader.  Parang isinulat sa dugo ang mga letra!  Ngiiiiih!

Heto po ang kuha ng spycam ko sa kubeta ng simbahan sa Mataas na Kahoy:

Key70034

As in, nakakakilabot talaga. Ever!  Pero mas kinilabutan kami noong makita namin ang reflection ni Lorenzo Makoy sa salamin, may nakatayong lalaki na naka-barong na unat-na-unat na pinapanood si Makoy habang kinukunan niya ang kubeta ng simbahan.  Niyaaaaaaah!  May kasama ako sa CR!  Eeeeeeeeek!  Weeeeeeeeh!  Kung ganon, nakita niya ang aking bird habang nagwi-wiwi ako sa CR!  Aaaaaaaaaarrrgh!

Zoom_1

Ang saya talaga sa Batangas.  Promise.