Ang galing mo Jerry Liao!
September 14, 2005: Napag-tripan kong umattend ng isang IT Seminar sa Makati Shangri-La (sowsi!) na ang speaker ay ang idol kong si Jerry Liao tungkol sa mga secrets at mga tips para mapadali ang paggamit ng Microsoft Office 2003 - at ito ay ang Powertips 2005 sponsored mainly by Microsoft Corporation! Ayus ito.
Akala ko nung una eh luma na ang MS Office 2003 at ang pinakabago ay ang Office XP, mali pala ako hehehe. Ang latest pala ay yung Office 2003 na nagkakahalaga ng 18 thousand pesoses! Ang mahal pala nito…di bale, Office 2003 naman ang gamit ko sa office…kaya applicable pa rin kay Lorenzo Makoy ang pag-attend nitong seminar na ito.
Dito sa seminar na ito, natutunan ko ang iba’t-ibang klase ng mga shortcuts na hindi nakalagay sa manual ng MS Office (pasensiya na po, isang shortcut lang ang alam ko…yung CTRL-ALT-DEL!). At habang nagpapaliwanag si Mr. Jerry Liao, napapa-tunganga kaming lahat dahil ganon lang pala ang shortcut noon at kung-ano-ano pa ang ginagawa namin para magawa ang isang bagay sa MS Office. Idol talaga kita Jerry!
Dito rin sa seminar na ito natutunan ko kung paano i-minimize ang lahat ng naka open na application na hindi mo na kailangang i-minimize lahat isa-isa. Paano kamo? Well, pindutin mo lang ang Windows button at letrang D sa keyboard at bingo, na-minimize lahat ng window! Astig talaga itong Powertips na ito hehehe.
Doon sa mga gustong makakita pa ng ibang peechurs na nakuhanan ko (including the sexy chickababes) sa seminar, punta na lang kayo sa Photo Album ko dahil nai-upload ko na ang mga pictures! Click niyo lang ang link para ayus.
At para naman doon sa mga hindi naka-attend ng Powertips 2005 seminar, ikinagagalak kong sabihin sa inyo na may Powertips 2006 po ngayong parating na Pebrero. Ang seminar naman ang tungkol sa Computer Security. Kaya kita-kita tayong lahat doon mga friends! Stay updated lang kayo po dito sa The Lorenzo Makoy Experience!
September 23rd, 2005 at 1:04 pm
Ang galing mo Jerry Liao!
The Lorenzo Makoy Experience
September 24th, 2005 at 6:01 am
My mom attended the same conference. Did you attend the morning or the afternoon session?
September 24th, 2005 at 7:35 am
Morning session ako friend.
January 18th, 2009 at 4:46 am
I-try nio ung bagong magazine ni jerry liao!Tech Innovation at Tech and Style!Di ka talaga mag sisisi!!Mura lang atmadami kang matututunan!Sa national books store ko nabili ung akin!