Ang Saya ni Dennis Trillo
September 26, 2005: Wagi na naman po ang Pilipinas sa katatapos lamang na Ms. International Beauty Pageant na ginanap sa Tokyo, Japan! At ito’y walang iba kundi ang ating Binibining Pilipinas International na si Precious Lara Quigaman.
Ang sarap pa naman ng tulog ko kanina at bigla akong nagising dahil sa mga tilian ng mga vakler dito sa may parlor sa amin. Haay, kaya pala eh biglang tinawag na ang pangalan ng pambato ng Pilipinas ng nanalo sa Ms. International! Aaaay tita, ang sasaya talaga ng mga hitad!
Ang atin pong naging pambato dito sa prestihiyosong kompetisyon na ito
ay laki sa England (ngunit tubong BiƱan, Laguna) kaya medyo may Queen’s Language accent siya habang nagi-ispowkening dollars sa mga interviews. Ang ganda-ganda talaga ng lola ninyo habang rumarampa sa entablado! Anong panama ng mga kalabang beauty queen sa Gandang Pinay? Da best talaga tayo!
At para doon sa mga nagtatanong kung bakit masaya si Dennis Trillo at bakit ito ang title ng blog entry ko na ito – Ano nga ba ang kaugnayan ni Dennis Trillo sa post na ito? Sikret na malufet! Dahil mayroon akong alam na hindi ko sasabihin. Kulitin nyo muna ako sa e-mail ko at baka sabihin ko pa ang sikretong malufet hehehehe.
September 26th, 2005 at 11:08 am
Ang Saya ni Dennis Trillo
The Lorenzo Makoy Experience