Buhawi sa Metro Manila

Buhawi September 27, 2005:  Sobrang init ng sikat ng araw ng lumabas ako galing sa opisina.  Hindi ko talaga ma-take ang init dahil kakaiba na ang sensation na nararamdaman ko.  Tuyot-na-tuyot ang aking lalamunan kaya napilitan akong bumili ng pagkamahal-mahal na mineral water sa canteen.  At pagdating sa Ortigas Center sa Pasig, kakaibang tanawin ang nakita ko.

Habang nag-aabang ako ng masasakyang pauwi sa terminal ng FX Taxi (oras ngayon - 1:50PM), sa gitna ng napakainit na sikat ng araw ay nakakita ako ng makapal at maitim na ulap na nabubuo sa ibabaw ng Ortigas Center.  Maya-maya lamang ay bigla nang lumakas ang hangin na halos matangay na ang napakapayat kong katawan.  Buti na lang at may dumating nang FX Taxi at nakapasok na ako sa loob.

Kakaiba talaga ang panahon nitong oras na ito, sobrang init tapos biglang dumilim.  Napatingin ulit ako doon sa twin towers na nasa may Podium at napansin ko na may kakaibang korte ng ulap na nabubuo pababa.  Hindi ko muna ito pinansin dahil natural lang naman sa mga ulap ang magkaroon ng kakaibang mga korte kagaya ng rabbit.

Pero makulit talaga ang inyong lingkod mga friends, tinitigan ko talaga ang kakaibang ulap at napansin ko na parang nagiging imbudo na ang korte ng ulap at ito ay mabilis na umiikot "counterclockwise" at patuloy na bumababa ng bumababa sa  lupa.  Sheet, parang ito ata yung napanood ko sa pelikulang Twister!

Dali-dali kong kinuha ang Super Makoy Spycam <tm> at kinuhanan ko ng once-in-a-lifetime stolen shot ang twister na bihira lang magpakita sa Pilipinas!  Maya-maya lamang eh bumuhos na ang pagkalakas-lakas na ulan na parang hinahataw ang sinasakyan kong FX Taxi na hindi pa umaandar dahil ako pa lang ang tao sa loob.  Iniisip ko ngayon kung saan ako tatakbo kung sakaling sa lugar ko pumunta ang twister.  Buti na lang at hindi na nagtuloy pababa ang buhawi at nawala na ito ng tuluyan.  Salamat na lang at hindi ito nagtuloy, kung nagkataon eh maraming tao ang masasaktan dahil commercial center pa ang napili nitong sosi na twister na ito.  Ang taray niya ha, Ortigas Center pa ang pinili ng lola twister nyo!  Gusto atang maging call center agent dahil malaki ata ang sweldo dito hehehe.

Pagkatapos nitong insidente na ito ay nagpunta ako sa lugar at kinunan ko ulit ngPodium  peechur ang paborito kong twin towers sa Podium.  Back to normal as usual, parang walang nangyari.  Ayus!

Pagdating ko sa bahay, nabalitaan ko na lang sa mga telebisyo na may lumabas ngang buhawi sa Ortigas Center sa Pasig.  Huwoow, totoo nga ang nakita ko!  This is one of a kind Lorenzo Makoy Experience mga friendship!!!

Dahil labs ko kayong lahat na mga blog readers ko, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para mai-share ko sa inyo ang mga kakaibang experience ni Lorenzo Makoy!

2 Responses to “Buhawi sa Metro Manila”

  1. Recently Updated Filipino Weblogs Says:

    Buhawi sa Metro Manila

    The Lorenzo Makoy Experience

  2. Lorenzo Says:

    Mga friends, mukhang hindi sa Podium iyang building na iyan…sa St. Francis Square ata. :)

Leave a Reply