Pinoy - Big Bother?
Pinoy Big Brother: Usap-usapan talaga itong reality show na ito ng ABS-CBN. Kapag nakasakay ako sa FX Taxi papasok sa opisina eh puros Uma at Cass na lang ang naririnig ko at medyo nauumay na ako sa kau-"uma" ng mga kasabay ko sa sasakyan. Lalo na kapag dumarating ako sa opisina dahil inililipat lagi ng kaopisina kong babae ang telebisyo sa ofis dahil Pinoy Big Brother na. Haaay…ano ba iyan!
Ngunit laking gulat ko nang aking marinig ang theme song ng Pinoy Big Brother na inawit ng Orange and Lemons. Haaah? Ano ito??? Bakit parang may katunog? O ako ba ay nagkakamali lamang? Sana nga nagkamali ako dahil ibang-iba ang pinoy. Wag kang matatakot, ipagmalaki mo pinoy ako? Nakakahiya.
Naiintriga na ba kayo? Ang pamagat po ng kanta ay "Chandeliers" at ang umawit ay ang Care na naroon si Ian Broudie ng Lightning Seeds. Ito po ang banda ng idol kong si Ian bago niya itinatag ang Lightning Seeds na kumanta naman ng Pure.
Ayaw nyong maniwala? Heto ang link sa baba, click nyo lang at mago-open ang Windows Media Player dahil isa siyang 30-second na demo na gumagamit ng streaming audio.
O hayan, kayo na po ang bahalang humusga!
October 2nd, 2005 at 11:32 am
PINOY - BIG BOTHER?
The Lorenzo Makoy Experience
October 2nd, 2005 at 8:45 pm
That’s just very embarassing. I’m all for celebrating the resurgence of OPM, but the Youth, Yano and all the OPM bands of old never did the kind of crap Cueshe, Orange and Lemons and Session Road are doing. Shameful, just shameful.
October 6th, 2005 at 7:52 pm
Pinoy Big Brother Theme Pirated?
Buzz has been circulating around blogs and message boards that the Pinoy Big Brother theme is a copy from the music Chandeliers by Care.
October 24th, 2005 at 10:56 pm
kapal ng muka ng Orange and Lemons!!!!
October 25th, 2005 at 6:34 pm
Bukod sa ubod ng YABANG ang drummer nila, band got no originality!!!