Sessionroadzia

Session_roadsuntok_sa_buwan Session Road: sikat na sikat itong banda na ito na nagmula pa sa Baguio City dahil kakaibang rakrakan ang tugtugan nito, kahit ako eh napapa-headbang kapag nagi-intro na ang isa nilang kanta na "Leaving You" mula sa kanilang Suntok sa Buwan na album.  Sa katunayan eh mukhang nagkaka-LSS na ako dahil isang buong album ng Session Road ang pinatutugtog ng kasamahan kong babae dito sa ofis (ibang babae naman ito mga friends!).

Ngunit, subalit, datapwat…dahil nga medyo nabo-bored na ako sa mga myuzak files na narito sa hard disk ng kompyuter ko sa ofis, naghalungkat ako sa kompyuter ng may kompyuter, lalo na doon sa mga kompyuter ng mga rakista kong ka-opisina.  At habang ini-iscan ko ang mga tugtug nila doon, narinig ko na parang katunog naman ito ng kanta ng idol kong Session Road! (aylabyu Hannah! muwah!)

Speaking of Orange and Lemons doon sa previous post ko, mukhang nade-déjà vu na naman ang inyong lingkod dahil kamukhang-kamukha talaga ng kanta ng Session Road na "Leaving You" ang aking napakinggan.

SuperdragAlam ba ninyo kung anong kanta ang kahawig naman?  Ang pamagat po ng kanta ay Garmonbozia na inawit ng Superdrag.  Sila po ay isang banda sa tate na tamang punk-pop na power-pop ang tugtugan na medyo nahahawig din sa Session Road ang tunog, lalaki nga lang ang bokalista nila.

Kung gusto ninyong marinig ang comparison ng Garmonbozia ng Superdrag at Leaving You ng Session Road (at alam ko naman na gusto ninyo talaga dahil nakaka-curious hehehe), heto ang link sa baba.  Click nyo lang ang title:

Sessionroadzia - Garmonbozia and Session Road comparison

(special thanks to The Funhouse Show for the audio file)

Kung gusto ninyong i-save sa hard drive ninyo ang file, Right-click lang ang title sa taas at piliin ninyo ang "Save As" para pakinggan ninyo paulit-ulit!  O debah may natutuhan din ako sa Powertips Seminar ni Jerry Liao?

Lloyd_cole Pero mga friends, kung sa akala natin na puros rip-off lang ang mga OPM ngayong taon na ito lalo na sa mga rock bands natin, pakinggan ninyo ang kanta ni Lloyd Cole na Ice Cream Girl.  Katunog na katunog naman ito ng "Babaeng Sorbetes" ng Orient Pearl na inilabas noong 90’s.  Omaygulay, dumadami na ang nagkaka-dejavu nito!

Pinoy ikaw ay pinoy…ipakita sa mundo.  Ayus!

One Response to “Sessionroadzia”

  1. Recently Updated Filipino Weblogs Says:

    SESSIONROADZIA

    The Lorenzo Makoy Experience

Leave a Reply