UMA on GMA-7: Ikaw ba talaga iyan Uma?

Channel scanning ako ngayong araw na ito mga friends, medyo nabo-bored ako dahil hindi ko nakita yung kararas ko na taga-seventh floor ng building namin kaya hawak agad ako ng remot kontrol at binuksan ko ulit ang telebisyo - at laking gulat ko nang makita ko si UMA ng Pinoy Big Brother na nasa channel 7.  Haaaah?  Totoo ba itong nakikita ko?  Si UMA????  Nasa GMA-7???

Dali-dali ko ulit pinagana ang aking state-of-the-art Makoy Capture Machine <tm> para makita ninyong lahat ang sinasabi kong si Uma.  Heto po ang na-capture ng ating machine:

Uma_daw

Hayun, hindi naman pala si Uma.  Isa pala siyang miyembro ng LXD Dancers na laging nagsasayaw sa SiS nina Gelli, Janice, at Carmina.

Advise ko lang dito sa isang miyembro ng LXD Dancers - tama na po ang isang Uma.  Create your own image kumbaga, at baka mapagkamalan kang vakler ng mga kasama ko dito sa ofis namin ahehehe.

Uma_origBakit ko nasabing Uma-lookalike siya?  Tingnan na lang ninyo ang peecur ni Uma sa loob ng Pinoy Big Brother house sa kanan.  Ayos ba?  May head band din at glasses na itim ang frame!  Umang-uma talaga ang LXD!  Pinoy ikaw ay pinoy…ipakita sa mundo.  Haaaay, ang mga pinoy nga naman.  Pasensiya na po kayong lahat, malikot lang talaga ang kamay ko sa remot kontrol.

One Response to “UMA on GMA-7: Ikaw ba talaga iyan Uma?”

  1. Recently Updated Filipino Weblogs Says:

    UMA on GMA-7: Ikaw ba iyan Uma?

    The Lorenzo Makoy Experience

Leave a Reply