Da Dabinsi: Judas is Alive!
Sunday, April 30th, 2006
Pagsakay ko sa MRT kaninang umaga eh nakita ko ang pagkalaki-laking billboard ng bagong pelikula ni Tom Hanks na alam nyo na siguro kung ano ang title non dahil medyo kontrobersiyal din itong libro nito ni tita Dan Brown at kung ano-ano na ring batikos ang inabot nito sa iba’t ibang religious sector ng lipunan. May balita pa nga na ibo-boykot din daw nila ang pelikulang ito kapag ipinalabas sa Pilipinas dahil sa isyung kinakaharap nito.
Sumabay pa mandin itong The Gospel of Judas ng National Geographic na inabot din ng matinding batikos mula sa Roma at marami na rin akong nababasang kolum sa mga tabloid (gaya nung nasa diyaryong Tumbok doon sa kolum ni Cenon Bibe Jr.) na nagsasabi na puros kasinungalingan daw ang nakalagay sa Magandang Balita ni Hudas at doon sa libro ni Dan Brown. Yung kay Dan Brown alam naman nating lahat na fiction lang ito, hello? Seryosohin ba ang fiction?
Alam nyo naman siguro ang mindset ng simbahan kung nagbabasa tayo ng history simula noong sabihin ni Galileo na bilog ang mundo, hayun, nakulong siya dahil hindi akma sa turo ng simbahan ang kanyang natuklasan at sa panahon na ni Pope John Paul the Second pa lang napatawad ng simbahan ang lolo nyo. Ang tagal din non ha?
Buweno, huwag na nating pansinin iyang Gospel of Judas na iyan kesyo hindi raw totoo, gawa-gawa lamang, at puros kasinungalingan ang laman. Alam naman natin na hindi lahat ng tao eh matatanggap ang mga bagong tuklas na kaalaman, kagaya noong matuklasan ng unang tao ang paggamit ng apoy. Dahil dito pa lang sa Bibliya, may nasusulat po tungkol kay Hudas na hindi pinapansin ng simbahan:
Ang mga eksena pong ito ay naganap pagkatapos ng ikatlong araw na nabuhay ulit ang Kristo at nagpakita siya sa kanyang mga alagad. Gaya nga ni Brod Pete ng Ang Dating Doon ng Bubble Gang, heto ang sasabihin ko mula sa aklat ni Juan…BASA! (bigyang pansin ang mga salita na may salungguhit):
Juan 21 (Ang Salita ng Diyos)
20 Ngunit lumingon si Pedro at nakita niya na sumusunod ang alagad na inibig ni Jesus. Siya rin ang nakahilig sa dibdib ni Jesus nang sila ay naghapunan na nagsabi: Panginoon, sino siya na magkakanulo sa iyo?
(Sino ba ang alagad na inibig at nagkanulo ng Kristo? Ituloy pa natin ang pagbasa…)
21 Nang makita siya ni Pedro, sinabi niya kay Jesus: Panginoon, ano naman ang gagawin ng isang ito?
22 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kung iibigin kong manatili siya hanggang sa pagbalik ko, ano ito sa iyo? Sumunod ka sa akin.
23 Kaya nga, ang pananalitang ito ay kumalat sa mga kapatiran, na ang alagad na iyon ay hindi mamamatay. Gayunman, hindi sinabi ni Jesus sa kaniya: Hindi siya mamamatay. Ang sinabi niya: Kung iibigin ko na siya ay manatili hanggang sa aking pagbabalik, ano ito sa iyo?
24 Ito ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito at sumulat sa mga bagay na ito. Alam namin na ang kaniyang patotoo ay totoo.
25 Marami pa ring ibang mga bagay na ginawa si Jesus. Kung isusulat ng isa-isa ang mga ito, ipinapalagay kong maging ang sanlibutan ay hindi makakakaya ng mga aklat na masusulat. Siya nawa!
Oh hindi ba mga friends? May nasusulat po sa Bibliya. Tigilan na po natin ang pagbatikos sa ginagawang research ng National Geographic tungkol sa Gospel of Judas.
At sa mga nagtatanong kung bakit ko inilagay ang peechur ni Mona Lisa dito sa blog entry ko, wala lang…parang sarkastik kasi ang tingin niya eh hehehehe.