Archive for May, 2006

Sa Likod ng mga Tala

Monday, May 8th, 2006

Kamikazee_1Hindi na maikakaila ngayon na kaliwa’t kanan nating naririnig ang awit ng bandang Kamikazee na "Narda" kahit saan tayo magpunta.  Una kong narinig ang hit song na ito noong tinutugtug siya ng mga kabataang banda dito sa lugar namin noong may fireworks display doon sa pinanggalingan kong iskul.

Halos ma-LSS din ako dito sa kantang ito sa puntong hinanap ko na talaga sa internet lahat ng impormasyon na pwede nating makita.  Sapul-na-sapul talaga ako sa Narda lalo na dito sa linyang ito:

Mapapansin kaya
Sa dami ng ‘yong ginagawa
Kung kaagaw ko ang lahat
May pag asa bang makilala ka…

Ang galing talaga ng pagkakasulat!  Naaalala ko tuloy lagi yung kararas ko sa 7th floor ng building namin. Idol ko na talaga ngayon ang Kamikazee!

Medyo sinuswerto pa rin si Lorenzo Makoy dahil nakahiram ako ng CD sa friendster ko dito sa ofis ng album ng Kamikazee at nakakita rin ako ng lyrics ng Narda sa internet.  Habang paulit-ulit kong pinatutugtug ito sa aking computer with matching sabay to the song while reading da bloody lyrics, may napansin ako.  Ang nowti-nowti pala ng kantang ito ng Kamikazee!  Gusto ba ninyong malaman?  Heto basa:

Nag-aabang sa langit..
Sa mga ulap sumisilip..
Sa likod ng mga tala..
Kahit sulyap lang Darna….!!!

TalaAlin ba ang nowti-nowti diyan sa linyang iyan?  Tingnan ninyo ang peechur ni Darna sa kanan.  Ano nga ba talaga ang nasa likod ng mga tala?  Sige, titigan mo pa friendship!

Nowti-nowti nga ba ang Kamikazee?  Hindi siguro.  Ako lang siguro yun hehehehehe.  Pasensiya na, kulang lang talaga siguro ako sa tulog ngayong linggo na ito mga friends!

Ang swerte nga naman ni Ding…

Ang Dating Noon

Thursday, May 4th, 2006

Dating_doonTuwang-tuwa ako ngayon dahil nakita ko ulit ang pinakapaborito kong segment sa Bubble Gang - Ang Dating Doon nina Brod Pete na kung saan eh ini-spoof nila ang TV show ni Brother Eli Soriano na may nagtatanong din kung may "nasusulat" sa mga mga bagay-bagay at nakatutuwa dahil kung ano-anong nursery rhymes ang binabasa ng grupo ni Brod Pete.

Ngayon eh naitanong ko sa sarili ko kung may "nasusulat" nga tungkol sa "Ang Dating Daan" nina Brother Eli, dahil nga medyo naku-curious ako kung saan nila nakuha ang pangalan ng kanilang grupo, gumawa rin ako ng sarili kong pagsasaliksik…at laking gulat ko sa aking natuklasan, may nasusulat nga sa Bibliya tungkol sa "Ang Dating Daan"!!!

Heto po ang nasusulat sa Bibliya, basa:

Job 22:15  Iyo bang pagpapatuluyan ANG DATING DAAN, na nilakaran ng mga masamang tao?

Nakupo, mukhang kailangan na nating sabihan ang mga friends nating miyembro ng Ang Dating Daan na palitan na nila ang pangalan ng grupo nila.

Peace brother!

Alien???  Alien!!!