BOSO TODA SA SONA: Mag-Ingat sa mga traysikel drayber na manyakis!!!
Haynakoh, medyo late na rin akong nakauwi ngayon dahil medyo tutok tayo sa mga nangyayari sa paligid lalo na ngayon na katatapos pa lang ng SONA ni Tita Gloria Macapagal-Arroyo. Alam niyo naman sa uri ng trabaho natin dito, walang holiday-holiday…all day eh may pasok! Kahit nga medyo bumabagyo eh business as usual kumbaga.
Alam nyo ba mga friends na medyo kuripot sa buhay itong si Lorenzo Makoy. Kapag bumababa ako ng FX Taxi eh nilalakad ko na lang mula babaan ng sasakyan hanggang sa aking home sweet home ang drama ng lolo nyo. At dahil nga medyo late na akong nakauwi, naisipan ko munang sumakay ng traysikel dito sa pila ng TODA dito sa sona namin dahil inaantok na ako. Ayoko munang maglakad pauwi, lobat na ako kumbaga. Tuwang-tuwa naman ako ng makita ko na may dalawa nang sakay yung traysikel sa unahan ng pila at mga babae pa! Yes! Naka-miniskirt pa yung isa! At isa na lang po at lalakad na si manong drayber.
Sakay ako sa upuan sa likod ni manong drayber habang nag-aabang ng isa pang pasahero…pero teka, medyo tumatagal na yata at wala pang sumasakay! Medyo sumilip ako sa harapan at umusad ako ng upo para doon uupo sa likuran yung huling sasakay (ayoko atang umupo sa bakal, natutusok ang puwit ko!) medyo napausad pa ako ng kaunti sa harap na hindi sinasadyang mapunta rin doon sa tinatawag na "vantage point" ni manong drayber sa motor at bigla akong napatingin sa mga side-mirror na nakalagay sa unahan. Laking gulat ko sa aking mga nakita…ooh siyeeet, tutok na tutok sa kasingit-singitan na kita na ang kaluluwa ng mga sakay na babae na naka-miniskirt doon sa loob ng traysikel! Para doon pala ang santanbak na rear-view mirror nitong munting traysikel na ito!
Isinulat ko itong blog entry na ito para mabigyan ng babala ang mga friends nating babae diyan na mag-ingat sa pagsakay sa mga ganitong klaseng traysikel lalo na kapag sila ay naka-miniskirt pagpasok sa opisina. Mahirap na, baka pinagpi pyestahan na sila ng mga manyakis na traysikel drayber diyan sa tabi-tabi.
Paano ba natin malalaman kung para sa pamboboso yung mga "rear-view mirror" na iyan? Madali lang mga friends, heto ang teknik: Kapag may mga nakalagay pa na rear-view mirror sa iba pang parte ng traysikel bukod sa manibela ng motorsiklo, subukan mong tumungo hanggang sa mapantayan mo ang bahagi ng waisline mo at tumingin ka sa mga maraming side-mirror sa harapan niya, mukha mo ang kanyang makikita! Kapag ganyan din lang, bumaba ka na at huwag ka nang sasakay pa sa traysikel na iyan.
Kailangang maging mahigpit na siguro ang mga Meyor sa pagbibigay ng prangkisa sa mga ganitong klaseng mga traysikel at mga manyakis na drayber na rin. Yun lang po. Muuuwaaaah!
January 21st, 2008 at 9:24 pm
hahahaha…ala lang