Archive for October, 2006

Multo sa Batangas

Saturday, October 28th, 2006

Happy Heloween mga friends!!!

Dahil papalapit na ang Haloween at uso na naman ang takutan sa mga telebisyo, magpo-post dito ako ngayon dito ng isang katatakutan na entry.

Key70026Kamakailan po lamang ay nagpunta ako sa Mataas na Kahoy, Batangas upang dumalo sa kasal ng bespren ko na naka-biktima ng Batangenya at suwerte naman ang loko dahil pinatulan siya nito hehehehe.  Siyempre, super-charge na ulit yung "Makoy Super-duper high-tech spycam" para kung sakaling may interesanteng bagay akong makita sa paglilibot ko sa Batangas, kuha agad ng gigicam spycam ko!

Pagpasok ko sa simbahan ng Mataas na Kahoy, alam nyo na naman kung ano ang una ninyong gagawin pagbaba ng sasakyan -> hanapin ang CR!  At sa pagtatanong ko naman doon sa medyo masungit na mataray na matandang babae na katiwala noong simbahan, natunton ko rin at CR nila na mukhang background ng "Silent Hill" na video game sa Playstation dahil nakakatakot ang mga nakasulat sa pader.  Parang isinulat sa dugo ang mga letra!  Ngiiiiih!

Heto po ang kuha ng spycam ko sa kubeta ng simbahan sa Mataas na Kahoy:

Key70034

As in, nakakakilabot talaga. Ever!  Pero mas kinilabutan kami noong makita namin ang reflection ni Lorenzo Makoy sa salamin, may nakatayong lalaki na naka-barong na unat-na-unat na pinapanood si Makoy habang kinukunan niya ang kubeta ng simbahan.  Niyaaaaaaah!  May kasama ako sa CR!  Eeeeeeeeek!  Weeeeeeeeh!  Kung ganon, nakita niya ang aking bird habang nagwi-wiwi ako sa CR!  Aaaaaaaaaarrrgh!

Zoom_1

Ang saya talaga sa Batangas.  Promise.

Superman is GAY

Friday, October 27th, 2006

Marami na rin akong nababasang mga nakakaaaliw na gay posts dito sa internet, kaya dadagdagan ko pa ng isa pa para masaya!

Habang nagi-Internet ako kagabi, may nakita akong banner advertisement sa taas ng page na nakatawag ng pansin sa akin.  At sa lahat ng banner ads na dine-dedma ko, ito lang ang hindi ko napigilan ang sarili ko na i-click:

A378c19a14fc62928392ef8c5961e0cf

Biruin nyo ba naman, pagkakataon ko na ito para asarin ang mga kasamahan kong babae dito sa ofis na baliw na baliw kay Brandon Routh ng Superman.  Hehehe…gay.  Isa pa hehehe…gay!

Gaychipskm2

Gay!  Hahaha.

Sa pag-click ko ng banner, sa isang hindi inaasahang pangyayari eh mapupunta pala ako sa website ng Starware.  Uh-oh, hindi ito maganda.  Bibigyan ko na ng babala ang mga Friendster ko dito na huwag na huwag ninyong i-iinstol sa computer ninyo ang Starware toolbar sa Internet ExplorerSpyware po iyan.

Kung ano man ang gagawin ng spyware na iyan sa computer ninyo, mababasa ninyo ang lahat dito sa link na ito:

REMOVE STARWARE SPYWARE

In fairness sa Starware, epektib yung advertisement nila!  Napukaw nila ang atensiyon ko!  Pero hindi pa rin masyadong epektib, hindi ko ini-install ang produkto nila.  Hep-hep-hep, Opera po ang gamit kong browser kaya hindi ito magi-install ng otomatik sa pagbisita ko sa website nila.

Sa lahat naman ng mga friends kong gay na baka nao-offend na dito sa gay post ko, heto lang ang sasabihin ko:

Superman is gay!  We are all gay.

Skeletorfy7

Sabi nga ni pareng Kurt Cobain na sumalangit nawa - "Everyone is gay…"

Tarush.

Bureau of Fire Protection Website - FIRED!

Thursday, October 26th, 2006

Rummysays_1Natatandaan pa ba ninyo yung blog posting ko na "Fire Prevention Month" noong Marso?  Dito sa blog post ko na ito eh nadiskubre ko na infected po ng VBS.Redlof ang website ng Bureau of FireProtection ng DILG.

Pagkaraan kong isulat ang blog entry ko na iyon, sinubukan kong mag e-mail sa Bureau of Fire Protection base na rin doon sa e-mail address na nakalagay sa "E-Mail" link nila, pero nag-bounce pabalik sa akin ang mensahe na ipinadala ko sa Hotmail account nila.

Dahil diyan, sinubukan ko na ring mag-email sa DILG mismo noong March 24, 2006.  Pero walang nag-reply kahit isa man lang sa kanila o kaya’y tanggalin ang page na may virus.  Dedmahin ba ang e-mail ko na nagsasabing infected ng virus ang laman ng website nila?!?!

Mahirap na ito mga friends, lalo na doon sa mga estudyanteng nagre-research tungkol sa mga ahensiya ng gobyerno dito sa Pilipinas.  Paano kung ang mga computer nila ay hindi naman kasing updated ng computer nating mga medyo paranoid sa virus?  Edi bigla silang mabi-binggo at poof!  Infected na ang computer na ginagamit nila sa paghahapit ng mga projects nila.  Kawawa naman.

Pitong buwan na ang nakalilipas at naisipan ko ulit na bisitahin ang website ng Bureau of Fire Protection at ganoon pa rin po ang na-detect ng anti-virus software ko, infected pa rin ng VBS.Redlof ang site nila!

Nag-email ako sa DILG at BFP - wala, dedma talaga, para bang walang kuwenta sa kanila ang e-mail ko.

Ngayon, dahil isa akong concerned citizen at dine-dedma naman ako ng DILG at BFP, nag-email na ako sa Yahoo!  Knowing naman natin na sa Geocities nila inilagay ang website nila (na pag-aari rin ng Yahoo!), sinabihan ko na ang mga kinauukulan sa Yahoo! na kung maaari ay gawin nila ang nararapat doon sa website ng Bureau of Fire Protection, dahil maaaring maging daan pa ito para kumalat pa ang VBS.Redlof na internet worm.

Alam ba ninyo kung ano ang ginawa ng Yahoo?

Basahin nyo muna ang reply nila sa akin:

Date: Tue, 24 Oct 2006 09:59:34 -0700
To:
lorenzomakoy@yahoo.com
Subject: Re: Abuse - Other (KMM38717624V9151L0KM)
From: "Yahoo! Geocities" <
geo-alert@cc.yahoo-inc.com>

Thank you for writing to Yahoo! Geocities.

Thank you for informing us of possible abuse on Yahoo! GeoCities.  We
have investigated the site and taken the necessary action
.  Please
continue to notify us of any content you believe violates the GeoCities
Terms of Service, located at:

   http://docs.yahoo.com/info/terms/geoterms.html

Thank you again for contacting Yahoo! Customer Care.

Regards,

Stan

Yahoo! Customer Care
http://www.yahoo.com/

27302050

Original Message Follows:
————————-

Mail-Id: 1161550736-7891

What is the web address (URL) of the GeoCities site on which the abuse
is occurring?
 
http://www.geocities.com/bfpwebsite/

Subject: Other

Enter your feedback here.
This particular page on the site:

http://www.geocities.com/bfpwebsite/Update.htm

Is infected by VBS.Redlof virus.  I already contacted the
owner of the site last march and another one last month,
but still, the site is still infected by the virus. 

Kindly do the appropriate actions.  The site is
contributing to the spread of that worm.

Heto ang screenshot ng BFP Website bago mangyari ito:

Bfp_website

At heto na ang screenshot ng BFP Website ngayon:

404

Magpunta lang kayo ng DILG page at click nyo ang Bureau of Fire Protection link sa kaliwang side, iyan na po ang lalabas ngayon.

Mabuti pa ang Yahoo!, concerned sa mga Internet users na tulad natin.

Para sa mga nagtatanong, ano nga ba ang Terms of Use ang nilabag ng Bureau of Fire Protection sa Yahoo! kaya nila ito tinanggal sa hosting site nila?  Heto po iyan ayon sa http://docs.yahoo.com/info/terms/geoterms.html, basa:

(h) upload, post or otherwise transmit any material that contains software viruses or any other computer code, files or programs designed to interrupt, destroy or limit the functionality of any computer software or hardware or telecommunications equipment;

Moral of the story (Pareng Sandi, pahiram ha?):  If your Web site is a danger to your visitors, take the dangerous site down before somebody takes it down for you.

Jolibee Scandal

Saturday, October 21st, 2006

Jolibug Yes yes yes, tama ang nabasa ninyo.  Wala na pong patawad ang mga scandal makers ngayon.  Kahit ultimo Jolibee eh hindi na pinatawad.

In fairness mga friends, sa lahat ng scandal na napanood ko, dito talaga ako napa-tumbling ng husto!  Halos umiyak na ako sa tigas ng tiyan pagkatapos kong mapanood ito.

Heto na ang scandal, watch nyo na mga friends!

THE JOLIBEE SCANDAL

Ayos ba?  Pustahan tayo, siguradong may reprimand na inabot itong mga ito sa management ng Jolibee.