Archive for January, 2007

Putang-ina Mo!

Sunday, January 21st, 2007

"Putang-ina mo! Putang-ina mo! Tumahimik kang bata ka, ipakukulong kita!!!"  Iyan po ang mga katagang umaalingawngaw na sigaw ng isang babae sa gitna ng daan ngayong hatinggabi habang ako ay tahimik na nagbabasa ng mga interesanteng babasahin dito sa internet.

MotherscoldingSobrang ingay talaga nitong babaeng ito, nagising pa ang mga alaga kong mga pusa na natutulog sa ibabaw ng monitor ng kompyuter ko dahil sa lakas ng sigaw niya.  Sinabayan pa ito ng napakalakas din na palahaw ng isang batang paslit na habang sinisigawan niya ay lalo din nitong nilalakasan ang kanyang pag-iyak.

Nilabas ko siya ng bahay, nakita ko ang isang ina na nagngingitngit sa galit na sinisigawan ang kanyang anak upang tumahan.  Nang hindi na niya nakuha pang patahanin ang bata ay nag-init na ang kanyang ulo at pinagmumura pa nito ang kanyang anak ng "Putang-ina mo!" harap-harapan.

Teka, teka, ang hirap naman talaga sa mga Pilipino ay hindi nila iniisip kung ano ang sinasabi nila.  Isang ina, sinabihan ang kanyang anak na "puta" ang ina nito - sino ngayon ang minura niya?  Kung "puta" ang ina nitong bata, sino ang nanay noong bata?  Hindi ba’t siya rin? 

Minumura lang niya ang sarili niya.

Kung ako sa kanya, babasahin ko na lang ito.

Putang-ina talaga.

Aysus, Ginoo - Si Roxanne Guinoo!

Saturday, January 20th, 2007

Wow, ang tagal ko na ring nag-busy-busy-han sa trabaho at napakatagal ko bago ko masundan yung Halloween post ko dito sa aking munting blog mga friends!

Share ko lang itong nakita ko sa EDSA habang naglalakad ako sa may kanto ng Timog Avenue sa Kyusi.  Wow, muntik na po akong madapa at mabunggo ng kasalubong kong vakler dito sa kanto.  As in wow talaga.  Aysuuus, ginooong gagmay!!!

Dsc00002

Iyan po ang bagong billboard sa EDSA ni Roxanne Guinoo para sa White Castle Whisky.  Mahal ka na namin Roxanne!

Maraming salamat nga pala doon sa naglagay ng billboard dahil nakatapat ito sa opisina namin at si Roxanne na ngayon ang nagbibigay sa amin ng lakas hehehe.  Salamat din sa kaopisina kong menyek na si Batman dahil pinagyayabang niya sa akin ang bago niyang Sony Ericsson k800i Cybershot phone at nakuhanan ko tuloy ng peechur ang napakagandang billboard na ito.

Medyo blurred ang peechur, aysus ginoo talaga, bakit ba hindi ko nagamit ang image stabilizer nitong camera phone na ito at naka-set pa ata sa pinakamababang resolution?!?!  Aaaarrrgh!