Putang-ina Mo!
"Putang-ina mo! Putang-ina mo! Tumahimik kang bata ka, ipakukulong kita!!!" Iyan po ang mga katagang umaalingawngaw na sigaw ng isang babae sa gitna ng daan ngayong hatinggabi habang ako ay tahimik na nagbabasa ng mga interesanteng babasahin dito sa internet.
Sobrang ingay talaga nitong babaeng ito, nagising pa ang mga alaga kong mga pusa na natutulog sa ibabaw ng monitor ng kompyuter ko dahil sa lakas ng sigaw niya. Sinabayan pa ito ng napakalakas din na palahaw ng isang batang paslit na habang sinisigawan niya ay lalo din nitong nilalakasan ang kanyang pag-iyak.
Nilabas ko siya ng bahay, nakita ko ang isang ina na nagngingitngit sa galit na sinisigawan ang kanyang anak upang tumahan. Nang hindi na niya nakuha pang patahanin ang bata ay nag-init na ang kanyang ulo at pinagmumura pa nito ang kanyang anak ng "Putang-ina mo!" harap-harapan.
Teka, teka, ang hirap naman talaga sa mga Pilipino ay hindi nila iniisip kung ano ang sinasabi nila. Isang ina, sinabihan ang kanyang anak na "puta" ang ina nito - sino ngayon ang minura niya? Kung "puta" ang ina nitong bata, sino ang nanay noong bata? Hindi ba’t siya rin?
Minumura lang niya ang sarili niya.
Kung ako sa kanya, babasahin ko na lang ito.
Putang-ina talaga.
March 17th, 2008 at 11:22 pm
hoy mahiya nhaman khayo sa kalye pha khayo nag mho rahan
June 21st, 2008 at 4:01 am
mga nnay wag nman puro mura pg pnpglitan ang mga anak,pag tanda nila ganyan din ggwin nla s u,,,,kausapin nlang ng masinsinan ang anak at saka wag nman sa kalye dhil nkkhiya,,kung wla k u hiya sa mga tao…mhiya nlang k u sa srili nyo.
July 30th, 2008 at 6:53 am
kung mag mura kyo ng ganyan prang wl kyong mgulang o puta tlg ang ina nyo. kww nman cl n n wlang ginngw eh ndmay p cil cge ky rin murhin din kyo pag nging parent kyo