Archive for February, 2007

Hawak-Kamay

Wednesday, February 14th, 2007

"Hawak-kamay, di kita iiwan sa paglalakbay…" iyan po ang mga letra na sumisiksik ngayon sa utak ko dahil sa paulit-ulit na pagpapatugtog nito sa radyo kapag sumasakay ako ng FX na ang radyo ay nakalagay sa alam nyo na kung anong istasyon yun, kailangan pa bang i-memorize iyan?

Dahil balentams naman ngayon, tungkol din sa hawak-kamay ang ipo-post ko ngayon dito sa aking munting blog.  Itong larawan na ilalagay ko dito ang patunay na mayroong isang bagay na napakalaki at napakalawak na kahit mismong tayong mga tao ay hindi naiintindihan - ang kapangyarihan ng pag-ibig!

Love

Hawak-kamay, di kita iiwan sa paglalakbay…dito sa mundong walang katiyakan…kung babae nga o lalake ang katabi mo!  Niyaaaaaah!

Happy balentayms mga friends!  Muwaaaah!