Kadyot Lang
Wednesday, April 25th, 2007
"Kadyot lang, kadyot lang, kadyot lang-lang!" Tama po kayo, tungkol naman sa radyo itong blog entry ko na ito.
Kahapon kasi, nang medyo male-leyt na ako sa pagpasok sa opisina ay naisipan kong pumara ng taksi para naman medyo mabilis at hindi ako mahuli sa oras ng pasok ko. As usual, binuksan ni manong taksi drayber ang radyo ng kanyang taksi sa paboritong istasyon ng mga drayber na nasasakyan ko, mapa-FX man o dyipni, pati na rin ang mga taksi…kailangan pa bang i-memorize iyan?
Nang nasa may Project 3 ako sa kyusi nang bandang 9:30 ng gabi, biglang pumasok ang promo plug ni "kadyot lang" dito sa radyong ito pagkatapos ng kanta ng Cueshe (hehe), at nagulat ako dahil parang nauulit muli ang history at dito naman sa radyo nag-uumpisa.
Heto ang plug:
Pinong: Kadyot lang, kadyot lang, kadyot lang-lang!
Kukurukuku, bakit naka-dobol R siya?Kukurukuku: Isipin mo na lang, Love Radio iyan! Hahahaha! Ubo-ubo-ubo! Tagos ba? Kailangan pa bang i-memorize iyan?
Okay, ibang level na ito. Alam naman nating lahat na ang dobol-R na sinasabi dito eh ang istasyon ng radyo ng ABS-CBN, ang DWRR 101.9. Giyera na ba ito?
Naaalala ko nang mag-umpisa ang network war sa telebisyon naman noong mid/late-80’s nang mag-komersiyal ang ABS-CBN ng isang logo ng rainbow na may pagong sa ilalim - obvious na pinatatamaan nila ang bagong labas na rainbow satellite ng GMA-7 noon. Na-shock ako nang una kong makita ito. Sa mura kong edad noon, parang hindi ako sanay pa na may nagbabangayan sa ere sa pagitan ng mga TV Station. And the rest is history. Sino na ba ang number one at pinag-uusapang istasyon ng telebisyon ngayon? Hindi ba, ang saya saya?
Dinadala na ba ng Love Radio ang network war sa radyo at gagamitin din nila ang "tried and tested" formula para maging number one sa ere? Abangan na lang natin.
Kailangan pa bang i-memorize iyan?


