Noontime Show Hell
Kahapon ng Lunes, dahil bakasyon ang inyong lingkod eh naisipan kong lumabas ng bahay at mamasyal sa Gilmore upang bumili ng external usb hard drive enclosure para naman makopya ko ang mga paborito naming mga scandals kay Monching na mahilig mag-download ng lahat ng ito from A to Z! Name it, meron niyan si Monching.
Sa aking paglilibot dito sa Gilmore eh dinala ako ng aking mga paa hanggang sa Broadway Centrum dahil tanghali na at medyo mainit na rin ang panahon ngayon, gutom at uhaw ang inabot ko dito sa pagka-canvass ng murang hard drive enclosure. Napansin ko medyo maraming tao ang nakapila sa may lobby, ah okay, dito nga pala ginaganap sa Broadway ang "number one" daw na noontime show ng Pilipinas - ang Eat Bulaga!
Na-curious naman ako at pumasok ako sa studio ng Eat Bulaga, ayos walang nakapansin sa akin kahit na sobrang dami ang nagsisiksikan at hinaharang sila ng guwardiya para hindi sila makapasok (hmmm…bakit kaya hindi nila ako hinarang? Mukha na rin ba akong artista?). At hayun, nakapasok ako ng walang kahirap-hirap at dala ko pa ang aking bag saka ang aking cellphone kahit na bawal itong ipasok sa loob ng studio.
Mainit na rin dito sa loob ng studio ng Eat Bulaga, para na ring impiyerno sa dami ng tao, ayos sana kung medyo mainit at siksikan pero may napansin akong hindi kanais-nais dito sa loob ng studio nila - masungit at maangas ang mga guwardiya sa loob, hindi kamukha noong mga guwardiya sa entrance. Bakit ko nasabi iyan? Dahil may mga audience sa loob ng studio na gustong lumabas dahil naiinitan na sila at sobrang siksikan, ang iba ay gutom na uhaw pa at maiiihi na, pero ayaw silang palabasin nitong guwardiyang ito, kesyo tapusin daw muna ang show dahil bawal daw lumabas ang mga tao. Hello? Ano ito concentration camp ng mga hudyo? Parang heneral ng Nazi itong guwardiyang ito, isa-isang pinagagalitan ang mga audience sa loob ng studio. Actually, hindi na boses ni bossing ang naririnig ko kundi ang boses na niya sa loob. Nakaka-distract.
Naawa na rin ako kay lola dahil sa malayong lugar pa siya nanggaling para mapanood lamang sina bossing, pero anong ginagawa ng guwardiyang ito sa kanya? Pinagalitan, pinagsabihan, at hindi man lamang nakatikim si lola ng "courtesy" mula dito sa guwardiyang ito. At ang nakakainis pa, eh ganito ang sinabi niya sa lahat ng audience sa loob: "Bawal pong lumabas hangga’t hindi natatapos ang show, kung ayaw nyo ng ganito, HUWAG NA LANG KAYONG MAGPUNTA AT MANOOD DITO!!! Naiintindihan ba niyo???" Wow, ang angas talaga ni manong.
Tiningnan ko ang mga nakakaawang audience sa loob, basang-basa na sila lahat ng pawis at nagsisiksikan pa, gusto mang lumabas ng iba para makalanghap ng sariwang hangin at uminom ay wala silang magagawa, dahil hinaharang sila ni Hitler na guwardiya.
Nang matapos ang show, isang salita lang ang narinig ko kay lola at lahat ng mga kasama niya sa studio - "Hinding-hindi na ako babalik dito at manonood ng Eat Bulaga, tandaan niyo iyan!!!"
Well, kung nababasa ito ng mga taga-Eat Bulaga, sana naman ay maging mabait kayo sa mga audience ninyo, dahil kapag nagalit sila, sila rin ang magpapabagsak ng ratings ninyo. Siyanga pala, nakita na ba ninyo ang ratings ninyo ngayong linggo na ito? Obvious naman hindi ba, medyo angat na ang Wowowee ni Willie. Alam na rin naman nating lahat na umabot na rin ng mahigit dalawang dekada ang Eat Bulaga at hanggang ngayon ay patuloy na nagbibigay ng kasiyahan sa mga tao, pero huwag naman sanang pumasok ang hangin sa ulo ng mga tao sa likod nito ang inabot nilang tagumpay upang tratuhin ng ganyan ang mga parukyano nila.
The viewer is the Boss, tandaan sana nating lahat iyan.
April 25th, 2007 at 4:17 am
grabe naman silang magtrato sa mga audience nila….
I think that is unfair…. kasi… in the past years sila lang ang pinanonood ng masa tapos sila mismo ang tumataboy at sumasakal sa masa… kaya deserving nga talagang magkaroon ng Wowowee!!!! congrats po….
April 25th, 2007 at 5:11 am
hay…….wawa naman c lola..oo nga its true na habang tumatagal yang show na eat bulagaga..sumasama na ang ugali.puwera lang c bosing..mabait talaga yan…..sadya nilang pinupuno ung kanilang studio para lang masabi na maraming nanunuod…..as if naman….maganda at fresh pa sa loob ….
April 25th, 2007 at 12:49 pm
ay obvious naman nagiging AGGRESIBO na ang Eat Bulaga kasi ang ratings nila pa WINDLE na!
May 17th, 2007 at 2:36 am
nakadaan lng!
Grabe nmn pla jan sa eat bulaga!
Gus2 ku rin pumunta dyan balang-araw pro dhl dyan sa sinabi mo na malahitler pla ang jaguar! NEvah! Di2 n lng ako sa bahay!
by:
Eloiski
http://eloiski.blogdrive.com
August 15th, 2007 at 9:59 am
maz hell kya za wowowie dming ghost dun kc ung za stampede rmemvr???????????humihingi cla ng justice…
September 2nd, 2007 at 9:29 pm
WOW WOW MALI!!! WAAHAHAHA… nuod kasi ng nuod di naman handa!!!KUDDOS SA EAT BULAGA!!!
November 13th, 2007 at 3:57 am
Kung sa bgy my punto sya don, the audience is the bossing. Kung hndi dhl sknla hndi cla si2kat.
February 25th, 2008 at 6:33 am
By the way, ang Broadway Centrum ay napakaliit lang na lugar. Parang typical school auditorium lang sa laki. Mabuti sana kung malakas ang aircon or may ventilation sa studio na yan eh sobrang init kaya!!
March 1st, 2008 at 2:37 am
Mas Hell sa gobyerno kzi dun mapaartista o mapapangulo lging bangayan para ka nsa hell!
March 17th, 2008 at 11:26 pm
yhes ang galing nham nhi hawak khamay.
May 19th, 2008 at 8:56 pm
yeah, mainit nga dun, pero nung nagpunta kami dati ok lang nman medyo mainit lang tlaga, kaso masungit tlaga ang mhga gwardya jan, ako dati d nman ako pinagalitan mabait nman skin pero sa ibang tao prang hgindi
I think namimili ung mga gwardya
sa Wowowee nman, ganun din dati
mas maraming tao dun at
mahigpit din, pero I think ngeon naiba na, nagalit
kac c Willie sa mga gwardya dati kac d pinapapasok ung
mga iba, kya mas linakihan
pa nila ang studio nila ngeon
September 23rd, 2008 at 8:32 pm
grabe natawa ako sa reaction mo about sa mga guardia sibil dun…korek! talaga ung naisip mo na bakit bawal ang lumabas eh kng tipo na mauubusan ka na ng hangin sa brain ng lagay na un…mapapa ospital ba nila nag madlang pipol.ok saludo ako jan sau….
October 10th, 2008 at 12:44 am
wang ginawa ng guard ay hinde dapat maging basehan para sa buong staff or company, although mali yung way ng guard para sabihin yun at isa pa, merong cr sa loob ng studio so u dnt need to go out para umihe or sumthing n gagamit k ng cr.
October 10th, 2008 at 6:27 pm
Hello.
Martha Louise, who is the only daughter of King Harald and Queen Sonja, gave up the title of ‘royal highness’ upon her 2002 marriage to writer Ari, and has a reputation for not standing on ceremony.
Bye.
October 31st, 2008 at 8:20 pm
heller!!!!!!!!mas mgnda ata dun sa studio ng wowowee kc mababait ang mga tao tpoz ung pinaka special sa knila ay ung mga dukha tlga!!!!!!!!!!we love wowowee here in davao city!!!
October 31st, 2008 at 8:22 pm
hellr!!!!mas kya ang studio ng wowowee,,,aside sa npakasaya ng knilang set eh,,,mrami pa silang na tutulungan na mga kpamilya nting mhihirap!!!!!!more power’s pa sa mga staff at crew’s ng wowowee