Archive for May, 2007

Ogie Alcasid + Regine Velasquez = ?

Monday, May 28th, 2007

10regineLangya, kahit anong tabloid ang buklatin ko, kahit anong balita sa TV ang panoorin ko, at kahit saang message board at blogs ako magpunta eh puros si Ogie Alcasid at si Regine Velasquez ang pinag-uusapan.  Talagang hot item na pares talaga itong si Ogie da Pogi at ang Songberd.  Dahil nga umamin na sila na may namamagitan nga sa kanilang dalawa, eh hot item na talaga itong dalawang ito, at hindi sila palalagpasin ng inyong lingkod.

Itong relasyon nitong dalawang ito ay hindi rin naiiba sa mga sikat na mga hot showbiz couples sa Hollywood, kahit saan magpunta ay pinag-uusapan, kinukuhanan ng larawan, at ina-ambush interview ng mga makukulit na movie reporter na minsan eh tinatawid na nila ang hangganan ng private life nitong mga celebrities na ito.  Well, wala tayong magagawa, showbiz ito at sikat sila eh.  Ganyan talaga!

Sa mga "naming conventions" naman ng mga showbiz couples na nauuso sa Hollywood at dito sa Pilipinas, halimbawa na lang nitong si Brad Pitt at si Angelina Jolie:

Brangelina060410_4_198

Brad Pitt + Angelina Jolie = Brangelina

Ngayon naman, si Tom Cruise at si Katie Holmes:

Tomkat

[shit, nakakatakot ang mukha ni Katie Holmes!]

Tom Cruise + Katie Holmes = TomKat

At ang pinaka-malupit na pares na pinag-uusapan ng bayan:

Ogie_and_regine_1

Ogie Alcasid + Regine Velasquez = Shrek_1

OGRE! Niyaaaaaaah!

Super Twins!

Wednesday, May 23rd, 2007

Super_sNagising ako kagabi sa tunog ng mga special effects nitong isang palabas ng GMA-7 sa kanilang Telebabad block na laging sinusubaybayan ng nanay ko, itong Stupid, este Super Twins nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte, siyempre kasama pa rin diyan si fafah Dennis Trillo.

Siyempre dahil naaalimpungatan pa ako, natitigan ko sa TV itong character na ginaganapan ni Jennylyn, itong si Super S dahil nai-imbiyerna na ang nanay ko dito dahil napaka-stupid ng character na ginagampanan niya.

Nang matitigan ko, ang ganda pala nitong si Jennylyn Mercado, tingnan niyo itong screencap niya galing sa SOP ng GMA-7 habang kumakanta siya:

Jen_sop

At tingnan nyo rin itong screencap na galing naman sa Rated K ni Korina Sanchez sa ABS-CBN:

Anton

Huwaaat?  Si Jennylyn Mercado nag-guest sa ABS?  Hindi ba’t exclusive ang kontrata niya sa GMA-7?  Hmmmm…mali po, hindi po si Jennylyn iyan, tingnan niyo ulit ang screencap na may lumabas nang pangalan noong singer:

Anton_revealed

Ang singer po na iyan ay si Anthony Ragaza a.k.a. "Anton Diva" na impersonator ni Regine Velasquez na may show lagi sa Laffline Comedy Bar sa Kyusi.

Hindi ko ma-imagine kung si Anton Diva ang gumanap ng Super T sa halip na si Nadine Samonte sa Super Twins, wow, para talaga silang twins! 

Now repeat after me girls, sa kapangyarihan ng araw, taglay na liwanag, kambal na lakas, sila ang…Super Twins!!!  Teen-tenenen-teneneent-teneeen!

Wowowee Scandal

Sunday, May 20th, 2007

Kahapon eh nagkita-kita na naman ang mga adik sa scandal dito sa opisina at umaatikabong bluetutan na naman ang nangyari dito sa amin, bluetooth dito, bluetooth doon ng mga bagong koleksyon na wala pa rin si Monching.  Pero ngayon eh kakaiba ang bago naming napagkaguluhan dito, walang iba kung hindi ang "nip slip" ng isang starlet ng ABS-CBN na nagsayaw sa Wowowee.

Dsc07048

Ipinakita ko ngayon itong peechur na ito sa kasamahan kong babae na mahilig manood ng mga palabas sa ABS at nalaman ko na ito pala yung babaeng gumaganap sa "Let’s Go" (away?) na si Eda Cabilan (a.k.a. Eda Nolan a.k.a. Junniper).

Ah siya pala iyon.  Pasensiya na, si Junniper na promdi ang crush ko eh.  Eh si Eda Cabilan pala yung nagsasayaw kaya hindi ko nakilala.  Way to go girl, sa mga oras na ito ay pinag-uusapan ka na ng mga menyek dito sa amin dahil diyan sa 30 seconds of fame mo sa Wowowee.

Weng Weng Tribute

Tuesday, May 8th, 2007

WengwengNaalala pa ba ninyo si Weng Weng?  Yung Pinoy action star na tamang Martial arts na may pagka-James Bond ang tema ng mga pelikula? Dahil medyo bata pa ako noong ipinalabas sa mga sinehan ito, sa Piling-Piling-Pelikula ng IBC-13 ko na lamang napanood ang "For Your Height Only" ni idol.  Na-miss ko tuloy yung cute kong opismeyt na tinatawag kong wengweng dati na may kaliitan din nang mapanood ko itong tribute rap na ito para sa isang Pilipinong aktor na sumikat sa buong mundo hmmmm….bakit nga kaya sumikat? Tingnan natin…

Bago ang lahat eh panoorin muna natin itong Weng Weng Tribute Video na ito.

Oh, astig noh!  Ayos ba?

Yourheight4Kainis, mabuti pa si Weng Weng na 2′9" eh nakakakuha ng mga chickababes.  Ang ibig sabihin siguro ng 2′9" eh 2 feet ang taas at 9 inches ang haba ng ano…alam niyo na!  Hindi na siguro ako magtataka kung bakit baliw-na-baliw ang mga chickababes dito kay idol.

Kung ayaw nyo namang maniwala na sikat nga sa buong mundo si Weng Weng, basahin niyo ang nakaaaliw na review ng Badmovies.org dito.

Kakaiba talaga si Weng Weng.  Teka, ano nga ba talaga ang apelyido ni Weng Weng?