Ogie Alcasid + Regine Velasquez = ?
Langya, kahit anong tabloid ang buklatin ko, kahit anong balita sa TV ang panoorin ko, at kahit saang message board at blogs ako magpunta eh puros si Ogie Alcasid at si Regine Velasquez ang pinag-uusapan. Talagang hot item na pares talaga itong si Ogie da Pogi at ang Songberd. Dahil nga umamin na sila na may namamagitan nga sa kanilang dalawa, eh hot item na talaga itong dalawang ito, at hindi sila palalagpasin ng inyong lingkod.
Itong relasyon nitong dalawang ito ay hindi rin naiiba sa mga sikat na mga hot showbiz couples sa Hollywood, kahit saan magpunta ay pinag-uusapan, kinukuhanan ng larawan, at ina-ambush interview ng mga makukulit na movie reporter na minsan eh tinatawid na nila ang hangganan ng private life nitong mga celebrities na ito. Well, wala tayong magagawa, showbiz ito at sikat sila eh. Ganyan talaga!
Sa mga "naming conventions" naman ng mga showbiz couples na nauuso sa Hollywood at dito sa Pilipinas, halimbawa na lang nitong si Brad Pitt at si Angelina Jolie:
Brad Pitt + Angelina Jolie = Brangelina
Ngayon naman, si Tom Cruise at si Katie Holmes:
[shit, nakakatakot ang mukha ni Katie Holmes!]
Tom Cruise + Katie Holmes = TomKat
At ang pinaka-malupit na pares na pinag-uusapan ng bayan:
Ogie Alcasid + Regine Velasquez =
OGRE! Niyaaaaaaah!



May 30th, 2007 at 2:18 am
hahahahaha
my stomach now really hurts!
hehehe!
great blogs!
May 30th, 2007 at 7:51 pm
hahahahaha very funny lol… way to go
November 10th, 2007 at 8:43 am
hahahaha grabe ka but its true