Super Twins!

Super_sNagising ako kagabi sa tunog ng mga special effects nitong isang palabas ng GMA-7 sa kanilang Telebabad block na laging sinusubaybayan ng nanay ko, itong Stupid, este Super Twins nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte, siyempre kasama pa rin diyan si fafah Dennis Trillo.

Siyempre dahil naaalimpungatan pa ako, natitigan ko sa TV itong character na ginaganapan ni Jennylyn, itong si Super S dahil nai-imbiyerna na ang nanay ko dito dahil napaka-stupid ng character na ginagampanan niya.

Nang matitigan ko, ang ganda pala nitong si Jennylyn Mercado, tingnan niyo itong screencap niya galing sa SOP ng GMA-7 habang kumakanta siya:

Jen_sop

At tingnan nyo rin itong screencap na galing naman sa Rated K ni Korina Sanchez sa ABS-CBN:

Anton

Huwaaat?  Si Jennylyn Mercado nag-guest sa ABS?  Hindi ba’t exclusive ang kontrata niya sa GMA-7?  Hmmmm…mali po, hindi po si Jennylyn iyan, tingnan niyo ulit ang screencap na may lumabas nang pangalan noong singer:

Anton_revealed

Ang singer po na iyan ay si Anthony Ragaza a.k.a. "Anton Diva" na impersonator ni Regine Velasquez na may show lagi sa Laffline Comedy Bar sa Kyusi.

Hindi ko ma-imagine kung si Anton Diva ang gumanap ng Super T sa halip na si Nadine Samonte sa Super Twins, wow, para talaga silang twins! 

Now repeat after me girls, sa kapangyarihan ng araw, taglay na liwanag, kambal na lakas, sila ang…Super Twins!!!  Teen-tenenen-teneneent-teneeen!

6 Responses to “Super Twins!”

  1. katrina Says:

    heheheh hahahaha nanakakawindang pero oo nga harhar Identical twins ang Datin hahahaha

  2. arran Says:

    naku……..zuper ganda tlaga ni jen mercado nuh,

  3. Hazel Says:

    hahaha! ayos!

    di ako nanonood ng tv kaya di ko kilala si anthony ragaza… pero magkamukha nga sila…dapat nga sya na lang saka si jennylyn yung ginawang twins…mas nakakaaliw sigurado yung show :D

  4. Marly Says:

    Interesting to know.

  5. nightowls Says:

    ang super twins ay PAMBATANG palabas sa primetime. PAMBATA. kaya natural lang na u’ll find it stupid or corny or baduy kasi siguro naman eh hindi ka na BATA diba? hehehe

    peace

  6. mslanz Says:

    wla kaung mgwa kya pti c jen na nana2hmik pnpkialman nyo.

Leave a Reply