Weng Weng Tribute

WengwengNaalala pa ba ninyo si Weng Weng?  Yung Pinoy action star na tamang Martial arts na may pagka-James Bond ang tema ng mga pelikula? Dahil medyo bata pa ako noong ipinalabas sa mga sinehan ito, sa Piling-Piling-Pelikula ng IBC-13 ko na lamang napanood ang "For Your Height Only" ni idol.  Na-miss ko tuloy yung cute kong opismeyt na tinatawag kong wengweng dati na may kaliitan din nang mapanood ko itong tribute rap na ito para sa isang Pilipinong aktor na sumikat sa buong mundo hmmmm….bakit nga kaya sumikat? Tingnan natin…

Bago ang lahat eh panoorin muna natin itong Weng Weng Tribute Video na ito.

Oh, astig noh!  Ayos ba?

Yourheight4Kainis, mabuti pa si Weng Weng na 2′9" eh nakakakuha ng mga chickababes.  Ang ibig sabihin siguro ng 2′9" eh 2 feet ang taas at 9 inches ang haba ng ano…alam niyo na!  Hindi na siguro ako magtataka kung bakit baliw-na-baliw ang mga chickababes dito kay idol.

Kung ayaw nyo namang maniwala na sikat nga sa buong mundo si Weng Weng, basahin niyo ang nakaaaliw na review ng Badmovies.org dito.

Kakaiba talaga si Weng Weng.  Teka, ano nga ba talaga ang apelyido ni Weng Weng?

5 Responses to “Weng Weng Tribute”

  1. Tessa Says:

    Hilarious!!!! You’ve made my day with this post and video! Only, I’m afraid mapapanaginipan ko si Wengweng!

  2. Lorenzo Says:

    Maraming salamat sa pagbisita mo dito sa aking munting espasyo sa internet Tessa! Mabuti naman at naaliw ka rin dito sa blog post na ito.

    Noon ngang pinapanood ko ang video ni Weng Weng eh aliw na aliw din ako at medyo pinagtitinginan na ako ng mga kasamahan ko dito sa opisina dahil tumatawa na akong mag-isa.

    Isa lang talaga ang masasabi ko, Weng Weng is having a second coming sa internet. Kahit matagal na siyang sumakabilang-buhay, viral pa rin ang dating ni idol! Mabuheeey!

    Anyways, napanaginipan mo na ba si Weng Weng? ;)

  3. Mary Josette Says:

    Hi! Nakita ko ang blog mo nung nagre-research ako about past Pinoy movie stars. Napapanood ko rin ang mga movies ni Weng Weng sa IBC 13. Sayang wala na sya kasi I’m sure mafa-flatter sya pag nalaman nya na nagiging laman sya ng mga websites. Teka, may alam ka ba kung ano ang naging personal life after nya gumawa ng movies? Like kung nagkapamilya pa ba sya at nagkaroon ng anak?
    By the way, sana lagyan mo rin ng tungkol sa Parrot Unit, Charlie Chaplin and the Three Stooges (starring Catchupoy at 3 Itlog), Darakula ni Redford White, Mang Kepweng movies ni Chiquito (sa totoo lang, traumatized ang ate ko hanggang ngayon kay Piling) at saka si Pugak. Thanks!

  4. joma Says:

    okhe naman khahit malit

  5. Psyche Says:

    Keep up the good work.

Leave a Reply