Superman is GAY

October 27th, 2006 by lorenzomakoy

Marami na rin akong nababasang mga nakakaaaliw na gay posts dito sa internet, kaya dadagdagan ko pa ng isa pa para masaya!

Habang nagi-Internet ako kagabi, may nakita akong banner advertisement sa taas ng page na nakatawag ng pansin sa akin.  At sa lahat ng banner ads na dine-dedma ko, ito lang ang hindi ko napigilan ang sarili ko na i-click:

A378c19a14fc62928392ef8c5961e0cf

Biruin nyo ba naman, pagkakataon ko na ito para asarin ang mga kasamahan kong babae dito sa ofis na baliw na baliw kay Brandon Routh ng Superman.  Hehehe…gay.  Isa pa hehehe…gay!

Gaychipskm2

Gay!  Hahaha.

Sa pag-click ko ng banner, sa isang hindi inaasahang pangyayari eh mapupunta pala ako sa website ng Starware.  Uh-oh, hindi ito maganda.  Bibigyan ko na ng babala ang mga Friendster ko dito na huwag na huwag ninyong i-iinstol sa computer ninyo ang Starware toolbar sa Internet ExplorerSpyware po iyan.

Kung ano man ang gagawin ng spyware na iyan sa computer ninyo, mababasa ninyo ang lahat dito sa link na ito:

REMOVE STARWARE SPYWARE

In fairness sa Starware, epektib yung advertisement nila!  Napukaw nila ang atensiyon ko!  Pero hindi pa rin masyadong epektib, hindi ko ini-install ang produkto nila.  Hep-hep-hep, Opera po ang gamit kong browser kaya hindi ito magi-install ng otomatik sa pagbisita ko sa website nila.

Sa lahat naman ng mga friends kong gay na baka nao-offend na dito sa gay post ko, heto lang ang sasabihin ko:

Superman is gay!  We are all gay.

Skeletorfy7

Sabi nga ni pareng Kurt Cobain na sumalangit nawa - "Everyone is gay…"

Tarush.

Bureau of Fire Protection Website - FIRED!

October 26th, 2006 by lorenzomakoy

Rummysays_1Natatandaan pa ba ninyo yung blog posting ko na "Fire Prevention Month" noong Marso?  Dito sa blog post ko na ito eh nadiskubre ko na infected po ng VBS.Redlof ang website ng Bureau of FireProtection ng DILG.

Pagkaraan kong isulat ang blog entry ko na iyon, sinubukan kong mag e-mail sa Bureau of Fire Protection base na rin doon sa e-mail address na nakalagay sa "E-Mail" link nila, pero nag-bounce pabalik sa akin ang mensahe na ipinadala ko sa Hotmail account nila.

Dahil diyan, sinubukan ko na ring mag-email sa DILG mismo noong March 24, 2006.  Pero walang nag-reply kahit isa man lang sa kanila o kaya’y tanggalin ang page na may virus.  Dedmahin ba ang e-mail ko na nagsasabing infected ng virus ang laman ng website nila?!?!

Mahirap na ito mga friends, lalo na doon sa mga estudyanteng nagre-research tungkol sa mga ahensiya ng gobyerno dito sa Pilipinas.  Paano kung ang mga computer nila ay hindi naman kasing updated ng computer nating mga medyo paranoid sa virus?  Edi bigla silang mabi-binggo at poof!  Infected na ang computer na ginagamit nila sa paghahapit ng mga projects nila.  Kawawa naman.

Pitong buwan na ang nakalilipas at naisipan ko ulit na bisitahin ang website ng Bureau of Fire Protection at ganoon pa rin po ang na-detect ng anti-virus software ko, infected pa rin ng VBS.Redlof ang site nila!

Nag-email ako sa DILG at BFP - wala, dedma talaga, para bang walang kuwenta sa kanila ang e-mail ko.

Ngayon, dahil isa akong concerned citizen at dine-dedma naman ako ng DILG at BFP, nag-email na ako sa Yahoo!  Knowing naman natin na sa Geocities nila inilagay ang website nila (na pag-aari rin ng Yahoo!), sinabihan ko na ang mga kinauukulan sa Yahoo! na kung maaari ay gawin nila ang nararapat doon sa website ng Bureau of Fire Protection, dahil maaaring maging daan pa ito para kumalat pa ang VBS.Redlof na internet worm.

Alam ba ninyo kung ano ang ginawa ng Yahoo?

Basahin nyo muna ang reply nila sa akin:

Date: Tue, 24 Oct 2006 09:59:34 -0700
To:
lorenzomakoy@yahoo.com
Subject: Re: Abuse - Other (KMM38717624V9151L0KM)
From: "Yahoo! Geocities" <
geo-alert@cc.yahoo-inc.com>

Thank you for writing to Yahoo! Geocities.

Thank you for informing us of possible abuse on Yahoo! GeoCities.  We
have investigated the site and taken the necessary action
.  Please
continue to notify us of any content you believe violates the GeoCities
Terms of Service, located at:

   http://docs.yahoo.com/info/terms/geoterms.html

Thank you again for contacting Yahoo! Customer Care.

Regards,

Stan

Yahoo! Customer Care
http://www.yahoo.com/

27302050

Original Message Follows:
————————-

Mail-Id: 1161550736-7891

What is the web address (URL) of the GeoCities site on which the abuse
is occurring?
 
http://www.geocities.com/bfpwebsite/

Subject: Other

Enter your feedback here.
This particular page on the site:

http://www.geocities.com/bfpwebsite/Update.htm

Is infected by VBS.Redlof virus.  I already contacted the
owner of the site last march and another one last month,
but still, the site is still infected by the virus. 

Kindly do the appropriate actions.  The site is
contributing to the spread of that worm.

Heto ang screenshot ng BFP Website bago mangyari ito:

Bfp_website

At heto na ang screenshot ng BFP Website ngayon:

404

Magpunta lang kayo ng DILG page at click nyo ang Bureau of Fire Protection link sa kaliwang side, iyan na po ang lalabas ngayon.

Mabuti pa ang Yahoo!, concerned sa mga Internet users na tulad natin.

Para sa mga nagtatanong, ano nga ba ang Terms of Use ang nilabag ng Bureau of Fire Protection sa Yahoo! kaya nila ito tinanggal sa hosting site nila?  Heto po iyan ayon sa http://docs.yahoo.com/info/terms/geoterms.html, basa:

(h) upload, post or otherwise transmit any material that contains software viruses or any other computer code, files or programs designed to interrupt, destroy or limit the functionality of any computer software or hardware or telecommunications equipment;

Moral of the story (Pareng Sandi, pahiram ha?):  If your Web site is a danger to your visitors, take the dangerous site down before somebody takes it down for you.

Jolibee Scandal

October 21st, 2006 by lorenzomakoy

Jolibug Yes yes yes, tama ang nabasa ninyo.  Wala na pong patawad ang mga scandal makers ngayon.  Kahit ultimo Jolibee eh hindi na pinatawad.

In fairness mga friends, sa lahat ng scandal na napanood ko, dito talaga ako napa-tumbling ng husto!  Halos umiyak na ako sa tigas ng tiyan pagkatapos kong mapanood ito.

Heto na ang scandal, watch nyo na mga friends!

THE JOLIBEE SCANDAL

Ayos ba?  Pustahan tayo, siguradong may reprimand na inabot itong mga ito sa management ng Jolibee.

Nina Spoiled Spielberg

September 24th, 2006 by lorenzomakoy

I HATE NINA.

Nina_liveIyan lang po ang masasabi ko pagkaraan kong mapanood ang napakagandang pelikula ni Uncle Steven Spielberg na "MUNICH".  At ano naman ang konek ni Nina sa pelikula ni Uncle Steven?  Iyan po ang iku-kwento sa inyo dito sa blog entry ko na ito.

Sobrang haba ng bakasyon ko ngayon at naisipan kong magpunta sa Video City para umarkila ng mga bagong labas na VCD ng mga magagandang pelikula ngayon.  At dahil nga medyo busy si Lorenzo Makoy sa kanyang trabaho, wala na akong oras manood ng sine at hinihintay ko na lang ilabas ng aking paboritong VCD rentals ang mga bagong latest!  Alam nyo naman ang mga video rentals ngayon, ilang buwan lang makalipas ang showing sa sine eh ilalabas na nila ito para sa home viewing dahil sagot na rin siguro ito laban sa mga prends nating pirata diyan sa tiangge.

10mAt nahiram ko ang pelikula ni Uncle Steven Spielberg na pinamagatang "MUNICH".  Ito po ay hango sa totoong istorya na nangyari noon sa 1972 Munich Olympics kung saan napatay ng mga terorista ang mga atletang Israelita na lumahok dito sa patimpalak na ito. Tumakbo ang istorya kung paano inisa-isang hanapin ng mga secret agents ng Israel ang mga terorista sa iba-ibang sulok ng mundo upang lipulin ang mga ito.  Napakaganda ng takbo ng istorya, Steven Spielberg ba naman eh!  Idol!

Noong una, akala ko ay may radyo na pinatutugtog sa soundtrack nitong pelikula na ito dahil may binuksan na transistor sa hideout nila ang mga terorista.  Pero nang di maglaon, parang napansin ko na hindi na bagay ang tugtog na inaawit sa bandang kaliwa ng tenga ko.  Alam nyo naman, sinet-ap ko ang aking sound system dito kaya dumadagundong ang tunog ng VCD player ko (astig!).  At alam nyo ba kung bakit nasabi kong hindi na kasali ito?  Isang buong NINA LIVE album ang tumutugtog sa umpisa hanggang sa huli ng MUNICH Film.  Anoooh???  Huwag ninyong sabihing kasama ng soundtrack ng pelikulang ito ang buong album ni Nina na puros cover?  Malabo.  Hindi rin ako ipinanganak kahapon.  Naligaw ito sa pagma-master ng VCD na ginawa ng Magnavision Philippines.

Gusto ba ninyong makita at marinig ang naligaw na soundtrack sa Munich?  Heto po ang sampol na galing sa VCD na ginawa ng Magnavision:

MUNICH VIDEO SAMPLE

Sinubukan kong papalitan ang naarkila kong Munich VCD sa Video City, pero malas…lahat ng kopya na galing sa Magnavision ay ganoon talaga.

Haay, ayun, nakakailang tuloy panoorin ang napakagandang pelikula na ito ni Uncle Steven.  Pinapangit ang pelikula ng album ni Nina.  Kung subliminal advertising campaign ito para i-promote ang album ni Nina, aysus, style ninyo bulok!

Paging Magnavision Incorporated at Video City, ayusin ninyo naman ang mga kopya nyo!

- "Munich" Film Copyright 2005 Universal Studios and Dreamworks LLC.

Digital Karma

July 30th, 2006 by lorenzomakoy

Kamakailan lamang po ay nakatanggap ako ng e-mail galing sa isa sa mga friendster ko dito na naglalaman ng isang "e-mail thread" na nakatutuwa raw.  Binasa ko ang laman ng e-mail at ako ay hindi natuwa.

Ang laman po ng e-mail na ipinadala sa akin ng kaibigan ko ay tungkol sa isang "written exam" mula sa isang applikante ng isang call center dito sa Pilipinas.  Kung susuriin natin ang kanyang mga isinulat sa eksaminasyon, masasabi nga natin na mali-mali ang grammar ng nagsulat.  Gugulong talaga sa kakatawa ang sinuman na makakabasa nito.

At bago ko ihayag ang aking opinyon dito sa eksamin na ito, nais ko rin munang basahin ninyo ang nilalaman ng e-mail na aking natanggap.

Examination Page 1 

Examination Page 2

Hayan, at salamat at binasa mo rin.  Nag-enjoy ba kayo?

Ngunit, subalit, datapwa’t sa una ay medyo nalibang ako sa kababasa ng essay niya, naisip ko na hindi maganda itong nangyayari na ito…

Una:  Bakit inilabas ng Hiring Manager yung exam na ginawa ng pobreng aplikante at ipinakalat pa sa e-mail?

Ikalawa:  Bakit ginawang katawa-tawa ng lahat ng pinag-daanan nitong e-mail thread na ito ang eksamin ng aplikante, may nakakatawa ba? At;

Ikatlo:  Hindi ba’t dapat ay mag-encourage ang mga call centers dito sa Pilipinas upang maging bihasa pa ang mga kababayan natin sa pagsasalita ng wikang Ingles?  Nabasa ko minsan sa diyaryo na kailangan pa nila ng mas maraming "English-speaking professionals" dahil mas maraming manpower ang kanilang kailangan para sa kanilang operasyon. Mukhang sila pa ang nagtutulak pababa sa mga kababayan natin upang huwag nang subukan na magsalita nito at baka maging katawa-tawa lang sila.

Para sa mga pinag-daanan at umalipusta sa written exam ng pobreng aplikante nitong e-mail na natanggap ko, isa lang ang masasabi ko sa inyo:  Mga wala kayong kuwenta.  Hindi ba kayo dumaan diyan sa punto na nag-aaral pa rin kayong mag-Ingles?  Ang tatapang niyo rin naman na mag-iwan pa ng contact address at pangalan ng kumpanya sa mga e-mail signature ninyo.  Ayokong isipin na wala na ring kuwenta ang kumpanya ninyo.

Para naman sa kumpanya na nagpakalat nitong e-mail na natanggap ko:  Wala rin kayong kuwenta!  Bakit kayo tumanggap ng mga hiring personnels na ganito?

Gusto ninyong malaman ang mga kumpanya na iyan?  Tingnan nyo na lang ang mga karatula sa Ortigas Center at sa Libis.  Yung isang mang-lalait naman eh sa isang call center na nasa Makati na katunog ng paborito kong Taco sa kubaw.

Kung sino man sa inyo ang magaling sa batas, may batas ba na nilabag ang kumpanya ng call center na nagpalabas nitong e-mail na natanggap ko?

Kung walang nilabag na batas iyang call center na iyan, tandaan ninyo mga friends, digital na ang karma ngayon.  Mabilis din iyang babalik sa inyo.

Sabi nga ng isang paalala sa telebisyo:  Basurang itinapon mo, babalik din sa iyo!

BOSO TODA SA SONA: Mag-Ingat sa mga traysikel drayber na manyakis!!!

July 24th, 2006 by lorenzomakoy

Haynakoh, medyo late na rin akong nakauwi ngayon dahil medyo tutok tayo sa mga nangyayari sa paligid lalo na ngayon na katatapos pa lang ng SONA ni Tita Gloria Macapagal-Arroyo.  Alam niyo naman sa uri ng trabaho natin dito, walang holiday-holiday…all day eh may pasok!  Kahit nga medyo bumabagyo eh business as usual kumbaga.

Alam nyo ba mga friends na medyo kuripot sa buhay itong si Lorenzo Makoy. Kapag bumababa ako ng FX Taxi eh nilalakad ko na lang mula babaan ng sasakyan hanggang sa aking home sweet home ang drama ng lolo nyo.  At dahil nga medyo late na akong nakauwi, naisipan ko munang sumakay ng traysikel dito sa pila ng TODA dito sa sona namin dahil inaantok na ako.  Ayoko munang maglakad pauwi, lobat na ako kumbaga. Tuwang-tuwa naman ako ng makita ko na may dalawa nang sakay yung traysikel sa unahan ng pila at mga babae pa!  Yes! Naka-miniskirt pa yung isa! At isa na lang po at lalakad na si manong drayber.

Boso_toda_layerSakay ako sa upuan sa likod ni manong drayber habang nag-aabang ng isa pang pasahero…pero teka, medyo tumatagal na yata at wala pang sumasakay!  Medyo sumilip ako sa harapan at umusad ako ng upo para doon uupo sa likuran yung huling sasakay (ayoko atang umupo sa bakal, natutusok ang puwit ko!) medyo napausad pa ako ng kaunti sa harap na hindi sinasadyang mapunta rin doon sa tinatawag na "vantage point" ni manong drayber sa motor at bigla akong napatingin sa mga side-mirror na nakalagay sa unahan. Laking gulat ko sa aking mga nakita…ooh siyeeet, tutok na tutok sa kasingit-singitan na kita na ang kaluluwa ng mga sakay na babae na naka-miniskirt doon sa loob ng traysikel!  Para doon pala ang santanbak na rear-view mirror nitong munting traysikel na ito!

Isinulat ko itong blog entry na ito para mabigyan ng babala ang mga friends nating babae diyan na mag-ingat sa pagsakay sa mga ganitong klaseng traysikel lalo na kapag sila ay naka-miniskirt pagpasok sa opisina.  Mahirap na, baka pinagpi pyestahan na sila ng mga manyakis na traysikel drayber diyan sa tabi-tabi.

SidemirrorPaano ba natin malalaman kung para sa pamboboso yung mga "rear-view mirror" na iyan?  Madali lang mga friends, heto ang teknik:  Kapag may mga nakalagay pa na rear-view mirror sa iba pang parte ng traysikel bukod sa manibela ng motorsiklo,  subukan mong tumungo hanggang sa mapantayan mo ang bahagi ng waisline mo at tumingin ka sa mga maraming side-mirror sa harapan niya, mukha mo ang kanyang makikita!  Kapag ganyan din lang, bumaba ka na at huwag ka nang sasakay pa sa traysikel na iyan.

OtherviewKailangang maging mahigpit na siguro ang mga Meyor sa pagbibigay ng prangkisa sa mga ganitong klaseng mga traysikel at mga manyakis na drayber na rin.  Yun lang po.  Muuuwaaaah!

Sa Likod ng mga Tala

May 8th, 2006 by lorenzomakoy

Kamikazee_1Hindi na maikakaila ngayon na kaliwa’t kanan nating naririnig ang awit ng bandang Kamikazee na "Narda" kahit saan tayo magpunta.  Una kong narinig ang hit song na ito noong tinutugtug siya ng mga kabataang banda dito sa lugar namin noong may fireworks display doon sa pinanggalingan kong iskul.

Halos ma-LSS din ako dito sa kantang ito sa puntong hinanap ko na talaga sa internet lahat ng impormasyon na pwede nating makita.  Sapul-na-sapul talaga ako sa Narda lalo na dito sa linyang ito:

Mapapansin kaya
Sa dami ng ‘yong ginagawa
Kung kaagaw ko ang lahat
May pag asa bang makilala ka…

Ang galing talaga ng pagkakasulat!  Naaalala ko tuloy lagi yung kararas ko sa 7th floor ng building namin. Idol ko na talaga ngayon ang Kamikazee!

Medyo sinuswerto pa rin si Lorenzo Makoy dahil nakahiram ako ng CD sa friendster ko dito sa ofis ng album ng Kamikazee at nakakita rin ako ng lyrics ng Narda sa internet.  Habang paulit-ulit kong pinatutugtug ito sa aking computer with matching sabay to the song while reading da bloody lyrics, may napansin ako.  Ang nowti-nowti pala ng kantang ito ng Kamikazee!  Gusto ba ninyong malaman?  Heto basa:

Nag-aabang sa langit..
Sa mga ulap sumisilip..
Sa likod ng mga tala..
Kahit sulyap lang Darna….!!!

TalaAlin ba ang nowti-nowti diyan sa linyang iyan?  Tingnan ninyo ang peechur ni Darna sa kanan.  Ano nga ba talaga ang nasa likod ng mga tala?  Sige, titigan mo pa friendship!

Nowti-nowti nga ba ang Kamikazee?  Hindi siguro.  Ako lang siguro yun hehehehehe.  Pasensiya na, kulang lang talaga siguro ako sa tulog ngayong linggo na ito mga friends!

Ang swerte nga naman ni Ding…

Ang Dating Noon

May 4th, 2006 by lorenzomakoy

Dating_doonTuwang-tuwa ako ngayon dahil nakita ko ulit ang pinakapaborito kong segment sa Bubble Gang - Ang Dating Doon nina Brod Pete na kung saan eh ini-spoof nila ang TV show ni Brother Eli Soriano na may nagtatanong din kung may "nasusulat" sa mga mga bagay-bagay at nakatutuwa dahil kung ano-anong nursery rhymes ang binabasa ng grupo ni Brod Pete.

Ngayon eh naitanong ko sa sarili ko kung may "nasusulat" nga tungkol sa "Ang Dating Daan" nina Brother Eli, dahil nga medyo naku-curious ako kung saan nila nakuha ang pangalan ng kanilang grupo, gumawa rin ako ng sarili kong pagsasaliksik…at laking gulat ko sa aking natuklasan, may nasusulat nga sa Bibliya tungkol sa "Ang Dating Daan"!!!

Heto po ang nasusulat sa Bibliya, basa:

Job 22:15  Iyo bang pagpapatuluyan ANG DATING DAAN, na nilakaran ng mga masamang tao?

Nakupo, mukhang kailangan na nating sabihan ang mga friends nating miyembro ng Ang Dating Daan na palitan na nila ang pangalan ng grupo nila.

Peace brother!

Alien???  Alien!!!

Da Dabinsi: Judas is Alive!

April 30th, 2006 by lorenzomakoy

DabinsiPagsakay ko sa MRT kaninang umaga eh nakita ko ang pagkalaki-laking billboard ng bagong pelikula ni Tom Hanks na alam nyo na siguro kung ano ang title non dahil medyo kontrobersiyal din itong libro nito ni tita Dan Brown at kung ano-ano na ring batikos ang inabot nito sa iba’t ibang religious sector ng lipunan.  May balita pa nga na ibo-boykot din daw nila ang pelikulang ito kapag ipinalabas sa Pilipinas dahil sa isyung kinakaharap nito.

Sumabay pa mandin itong The Gospel of Judas ng National Geographic na inabot din ng matinding batikos mula sa Roma at marami na rin akong nababasang kolum sa mga tabloid (gaya nung nasa diyaryong Tumbok doon sa kolum ni Cenon Bibe Jr.) na nagsasabi na puros kasinungalingan daw ang nakalagay sa Magandang Balita ni Hudas at doon sa libro ni Dan Brown.  Yung kay Dan Brown alam naman nating lahat na fiction lang ito, hello?  Seryosohin ba ang fiction?

Alam nyo naman siguro ang mindset ng simbahan kung nagbabasa tayo ng history simula noong sabihin ni Galileo na bilog ang mundo, hayun, nakulong siya dahil hindi akma sa turo ng simbahan ang kanyang natuklasan at sa panahon na ni Pope John Paul the Second pa lang napatawad ng simbahan ang lolo nyo.  Ang tagal din non ha?

Buweno, huwag na nating pansinin iyang Gospel of Judas na iyan kesyo hindi raw totoo, gawa-gawa lamang, at puros kasinungalingan ang laman.  Alam naman natin na hindi lahat ng tao eh matatanggap ang mga bagong tuklas na kaalaman, kagaya noong matuklasan ng unang tao ang paggamit ng apoy.  Dahil dito pa lang sa Bibliya, may nasusulat po tungkol kay Hudas na hindi pinapansin ng simbahan:

Ang mga eksena pong ito ay naganap pagkatapos ng ikatlong araw na nabuhay ulit ang Kristo at nagpakita siya sa kanyang mga alagad.  Gaya nga ni Brod Pete ng Ang Dating Doon ng Bubble Gang, heto ang sasabihin ko mula sa aklat ni Juan…BASA! (bigyang pansin ang mga salita na may salungguhit):

Juan 21 (Ang Salita ng Diyos)

20 Ngunit lumingon si Pedro at nakita niya na sumusunod ang alagad na inibig ni Jesus. Siya rin ang nakahilig sa dibdib ni Jesus nang sila ay naghapunan na nagsabi: Panginoon, sino siya na magkakanulo sa iyo?

(Sino ba ang alagad na inibig at nagkanulo ng Kristo?  Ituloy pa natin ang pagbasa…)

21 Nang makita siya ni Pedro, sinabi niya kay Jesus: Panginoon, ano naman ang gagawin ng isang ito?

22 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kung iibigin kong manatili siya hanggang sa pagbalik ko, ano ito sa iyo? Sumunod ka sa akin.

23 Kaya nga, ang pananalitang ito ay kumalat sa mga kapatiran, na ang alagad na iyon ay hindi mamamatay. Gayunman, hindi sinabi ni Jesus sa kaniya: Hindi siya mamamatay. Ang sinabi niya: Kung iibigin ko na siya ay manatili hanggang sa aking pagbabalik, ano ito sa iyo?

24 Ito ang alagad na nagpapatotoo sa mga bagay na ito at sumulat sa mga bagay na ito. Alam namin na ang kaniyang patotoo ay totoo.

25 Marami pa ring ibang mga bagay na ginawa si Jesus. Kung isusulat ng isa-isa ang mga ito, ipinapalagay kong maging ang sanlibutan ay hindi makakakaya ng mga aklat na masusulat. Siya nawa!

Oh hindi ba mga friends?  May nasusulat po sa Bibliya.  Tigilan na po natin ang pagbatikos sa ginagawang research ng National Geographic tungkol sa Gospel of Judas.

At sa mga nagtatanong kung bakit ko inilagay ang peechur ni Mona Lisa dito sa blog entry ko, wala lang…parang sarkastik kasi ang tingin niya eh hehehehe.

Fire Prevention Month

March 24th, 2006 by lorenzomakoy

Smoke_13Habang tina-tayp ko yung huli kong entry dito sa blog kong ito, medyo na-distract si Makoy dahil may mga bumberong nagdadaan sa kalsada, at kahit na paulit-ulit ang kanta ni Kitchie Nadal sa computer ko dahil may LSS pa rin ako hanggang ngayon sa theme song ng Majika, narinig ko pa rin ang ingay ng mga sirena ng mga bumbero na dumadaan.

Naalala ko, ngayong buwan nga pala na ito ay ang Fire Prevention Month ng Bureau of Fire Protection!  Ang programang ito ay tumatagal ng buong buwan ng Marso.  Alam nyo na, medyo mainit ang summer kaya nag-iinit lagi ang mga bumbunan ng mga kabahayan.

Dahil natuto na nga akong mag-search sa Google, pati Fire Prevention Month eh hinanap ko na at napunta ako sa website ng DILG at nakita ko doon ang link ng website ng Bureau of Fire Protection na ubod ng chaka dahil naka-host sa Geocities at infected pa ng VBS-Redlof virus yung isang page nito.  Nagtataka na tuloy ako dahil bakit sa isang Geocities account lang nakalagay ang page nila, eh may budget ang gobyerno natin para dito?  Pwede naman nilang ilagay sa dilg.gov.ph yun, bakit napunta pa sa geocities?  Plis lang mga friends, huwag na ninyong munang tangkain pang magpunta sa website ng mga bumbero ngayon habang hindi pa nila natatanggal ang virus sa site nila.  Sige kayo rin, baka masunog ang computer ninyo! Nagpapaalala lang po, charing!

At dahil nga infected pa ang website nila, naghanap na lang ako sa ibang site ng mga payo para maiwasan ang sunog at buti naman at may nakuha akong Fire Prevention Handbook na libreng i-download.  Oh heto, download nyo na!  Click nyo ang link sa baba. Pramis, walang virus ito:

Fire Prevention Handbook

Siyangapala, mabubuksan ang handbook na ito sa Adobe Acrobat Reader.

At dahil Fire Prevention Month ngayon, may rason na lagi ako sa boss ko kapag sasabunin niya ako sa tuwing ako ay male-leyt ng pasok sa opisina:

Boss:  Makoy, you’re late again!  Please minimize your tardiness, or else, I’ll gonna fire you!

Makoy: You cannot fire me sir, it’s Fire Prevention Month!

Ooooh ha!  Ang taray ng lolah mo!!!  Tarush.